Aces balik sa solo liderato

MANILA, Philippines – Bumangon ang Alaska mula sa kauna-unahan nilang kabiguan para mu­ling solohin ang liderato.

Nagtayo ng 14-point lead sa fourth quarter, binalasa ng Aces ang Globalport Batang Pier, 87-84, para palakasin ang tsansa sa top two seats sa semifinals ng 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City.

Itinaas ng Alaska ang kanilang baraha sa 7-1 kasunod ang San Miguel (6-1), Rain or Shine (5-2), Ginebra (5-3), Talk ‘N Text (4-3), Globalport (4-4), nagdedepensang Purefoods (3-3) at Meralco (3-3), NLEX (3-4), Barako Bull (2-5), Kia (1-7) at Blackwater (0-8).

Matapos iwanan ng Batang Pier sa first half, 37-33, inagaw ng Aces ang unahan sa pagsasara ng third period, 66-60, patungo sa paglilista ng 14-point advantage, 75-61, sa 8:40 minuto ng final canto.

Nagtangkang makaba­ngon ang Globalport nang magpakawala ng 14-5 atake para makalapit sa Alaska sa 84-87 sa huling 2:11 minuto.

Ngunit hindi na nakaiskor ang dalawang koponan hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, magtatagpo ang Tropang Texters at ang Energy ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng Bolts at Hotshots sa alas-5:15 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna. Alaska 87  -  Abueva 19, Casio 14, Baguio 10, Thoss 10, Jazul 8, Menk 7, Manuel 6, Banchero 4, Exciminiano 4, Hontiveros 3, Dela Rosa 2, Eman 0, Dela Cruz 0.

Globalport 84  -  Romeo 26, Pringle 15, Cabagnot 15, Isip 12, De Ocampo 6, Buenafe 5, Ponferrada 3, Jensen 2, Taha 0, Pinto 0, Cabrera 0, Baclao 0.

Quarterscores: 15-22; 33-37; 66-60; 87-84.

Show comments