Mga laro live sa Aksyon TV 4 teams simula na ang bakbakan sa semifinals ng FA League Cup

MANILA, Philippines - Sasambulat ngayon ang semifinal round ng Football Alliance League Cup kung saan hangad ng apat na natitirang kopo­nan ang unang tropeo ng United Football League sa 2014-15 season.

Lalabanan ng 2013 League champions Global ang reigning UFL Cup winners Loyola Meralco Sparks sa alas-4:45 ng ha­pon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa alas-8:15 ng gabi ay magsusukatan naman ng lakas ang Pachanga Diliman, ang finalists sa nakaraang UFL Cup, at ang Ceres-La Salle, ang powerhouse club ng Bacolod at nagkampeon sa Second Division.

Ang mga laro ay isasaere sa Aksyon TV.

Ang Ceres-La Salle, ang tanging koponan na nagwalis sa kanilang pitong laro sa FA League Cup, ay tatampukan ng mga national team players at hangad maiuwi ang tropeo sa Bacolod City.

“We’re very very ex­ci­ted,” sabi ni Ceres manager Ali Go. “We’ve been waiting for this. We’re training so hard to win a championship. We will not stop until we are champions.”

Inaasahan namang bi­bigyan sila ng magandang laban ng Pachanga Diliman.

 

Show comments