‘Laban ng Lahi’ mapapanood bukas sa GMA-7
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tunay na kampeon ang Filipino boxer na si Renan “Little Pacquiao” Trongco sa matagumpay na pagdepen­sa sa kanyang WBC International flyweight title laban sa Ja­panese challenger na si Hayato Yamaguchi sa SM Mall of Asia Music Hall noong Setyembre 27.

Mapapanood ang laban sa isang special telecast ng GMA-7 na pinamagatang “Laban ng Lahi: Heart of Champions” na ipapalabas bukas ng alas-11 ng umaga pagkatapos ng i-Bilib.

Umangat ang record ni Trongco sa 16-4-0 at may 9 knockouts, habang si Yamaguchi naman ay may 12-5-1 record at 2 KOs.

Ang laban ay mula sa pangangasiwa nina Bebot Elorde ng Elorde International Promotions  kasama ang Ka­puso actor na si Rocco Nacino, isang franchise owner ng Elorde Gym-Marcos Highway.

BEBOT ELORDE ELORDE GYM-MARCOS HIGHWAY ELORDE INTERNATIONAL PROMOTIONS HAYATO YAMAGUCHI HEART OF CHAMPIONS LITTLE PACQUIAO MALL OF ASIA MUSIC HALL ROCCO NACINO TRONGCO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with