Garcia hindi nawawalan ng pag-asa para sa ginto

INCHEON, Korea — Hin­di tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Ito ang sinabi ni Chief of Mission Ricardo Garcia kaugnay sa mailap na gintong medalya na hindi pa na­papanalunan ng mga mi­yembro ng Team Philippines para sa 17th Asian Games dito.

Naniniwala si Garcia, ang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), na isang araw ay ma­­kakakuha ang mga Fi­li­­pino athletes ng gintong me­­­dalya.

Ang boxing ang isa sa mga sport na sinasabi ni Gar­cia na malakas ang tsansang makasikwat ng gold medal dahil lima pang bok­singero ang lumalaban sa kanilang mga weight divisions sa men’s category.

 “Five of six isn’t a bad ratio,” wika ni Garcia sa mga boxers na palagiang pi­nagmumulan ng medalya ng bansa sa pagsali sa mga international multi-sports events.

Sa boxing nagmula ang silver medal ni Mansueto ‘On­yok’ Velasco sa Olympic Games noong 1996 sa Atlanta, USA.

Si Anthony Villanueva ang unang Filipino pug na nag-uwi ng silver medal ng bansa sa boxing sa Olym­pics noong 1964 sa Tokyo, Ja­pan.

Ang kapatid ni Velasco na si Rhoel ay nakasuntok ng Olympic bronze medal noong 1992 sa Barcelona.

Sa 2014 Incheon Asiad ay taning si lighwelterweight Dennis Galvan ang nasibak nang matalo kay Chinzoriq Baatarsuk, 0-3, ng Mongolia noong Hu­webes.

Umabante sina middleweight Wilfredo Lopez, light flyweight Mark Anthony Bar­riga, bantamweight Mario Fernandez, lightweight Charly Suarez at flyweight Ian Clark Bautista sa round of 16.

Sisi­mulan bukas nina lightweight Nesthy Petecio at fly­weight Josie Gabuco ang kanilang kampan­ya.

Show comments