Phl bowlers minamalas

INCHEON, South Korea. – Nabigong makasikwat ng medalya sa singles events, patuloy ang kamalasan ng mga Filipino bow­lers sa 17th Asian Games kahapon dito.

Pumuwesto sa ika-walo sina veteran Frederick Ong at rookie Enrico Lorenzo Her­nandez sa men’s doubles sa kanilang pinagulong ng 1218 at 1131, ayon sa pag­kakasunod, para sa ka­­buuang 2349 pinfalls sa mor­ning session ng bow­ling event sa Anyang Hogye Gym­nasium.

Ang nasabing iskor nina Ong at Hernandez ay 153 pins ang agwat sa nangu­ngunang sina Japanese Yo­shida Daisuke (1283) at Sa­saki Tomoyuki (1219) na may pinagsamang 2502.

Nakatakda namang su­mabak sa aksyon sina world champion Biboy Rivera at rookie Kenneth Chua.

Sina Benshir Layoso at rookie Jo Mar Jumapao ay nagpagulong ng pinagsamang 2169 pinfalls para sa pang-19 posisyon sa mor­ning session.

Ang Thailand at Chinese-Taipei ang kumuha sa unang dalawang gold me­dals sa men’s at women’s singles.

May nakataya pang gintong medalya sa trios, team of five, all events at Masters.

Si dating Asian champion Larp Apharat ang nagbi­gay ng gold sa Thailand sa kanyang paghahari sa men’s singles event mula sa 1390 total, habang si Chou Chia Chen ng Chinese-Taipei ang nagbida sa women’s singles sa kanyang 1291 pin­­falls.

Si Ong ang namuno sa hanay ng mga Pi­noy sa men’s singles event sa kan­yang 1218 pins.

 

Show comments