Kvitova nagreyna sa Wimbledon

LONDON — Iginupo ni Petra Kvitova si Eugenie Bouchard 6-3, 6-0, sa halos isang oras para angkinin ang Wimbledon sa ikalawang pagkakataon.

Ganap na dinomina ng Czech left-hander ang 20-anyos na Canadian na si Bouchard, naglaro sa una ni­yang major final, mula sa kanyang malalaking serves, agresibong returns at groundstrokes.

Nauna nang nagreyna si Kvitova sa Wimbledon no­ong 2011.

Umiskor din si Kvitova ng mga baseline winners na gumitla kay Bouchard.

Naipanalo ni Kvitova ang huling pitong laro, tampok dito ang isang cross-court backhand.

Si Bouchard ang unang Canadian na nakapasok sa Grand Slam final.

Ipinangalan siya kay Princess Eugenie ng Britain, ang apo ni Queen Elizabeth II.

Show comments