Tempra Mother’s Day Treat handa na

MANILA, Philippines - Handa  na ang lahat para sa Tempra Mother’s Day Treat sa Linggo sa Charito Planas Garden sa Quezon City Memorial Circle.

Ang mga ina at ang kanilang anak ay maaaring magparehistro ng libre para makasali sa kaganapan na katatampukan ng mga palaro na tiyak na ikasisiya ng mga mag-iina.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa Subterranean Ideas para sa libreng booklet na magagamit sa Linggo sa 504-5990 (landline), 0916-2246221 (Globe), 0923-3323737 (Sun) at 0918-2392009 (Smart).

Puwede rin  magpapalit ng booklet sa Planas Garden sa Mayo 10 (Sabado) o sa Linggo mula alas-7 ng umaga.

“All participants won’t go home empty handed. We have prepared games, raffles and surprises for the whole family. It will surely be a fun-filled day in our continuing commitment to honor Filipino mothers,” wika ni  Cleo Roda Nodado, Marketing Manager-Taisho Parmaceutical, Inc.

Libre ang pagpasok pero kailangang may bitbit na booklet ang mga nais na sumali sa palaro at iba pang kaganapan.

Dalawang basyo ng Tempra o Ceeturs Syrup of 10 blisters packs ng Tempra tablet ay magagamit para makapagrehistro at makasali sa raffle.

Isang balidong registration ay katumbas ng isang booklet at mas maganda ang tsansang manalo sa raffle kung mas marami ang hawak na booklet.

 

Show comments