Seasports Festival sisikad na

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayong alas-8 ng umaga ang 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival na gaganapin sa Baywalk ng Roxas Boulevard.

Tampok sa nasabing event ang dragon boat racing na lalahukan ng mga lokal na Olympic rowers,  Asian Ga­mes medalists, mga kasapi ng Philippine team at iba’t ibang koponan.  

Magiging highlight sa karera ang stock at formulas races ng bancathon.

Ang dalawang araw na sportsfest ay magtatapos sa isang maningning na awards night at libreng live concert na pangungunahan ng Viva Hot Babe na si Jennifer Lee, ang Go Girls, at banda ni Jerome Abalos.

Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, at suportado ng Cobra Energy Drink, Caltex, Eveready, Ginebra San Miguel, Pioneer Epoxy, Filinvest, Silka, M. Lhuillier, Columbia International Foods, Manila Ocean Park, Cord Marine Epoxy, at Briggs at Stratton.

Show comments