Cagayan umiskor sa Petron sa PSL Grand Prix

Laro sa Miyerkules

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. PLDT vs Cignal (w)

4 p.m. TMS vs RC Cola (w)

6 p.m. Maybank vs Gilligans (m)

 

MANILA, Philippines - Nagparamdam kaagad ang Cagayan Valley nang ku­nin ang 25-20, 25-14, 25-22 straight sets win sa Petron sa pagbubukas ng Phi­lippine Super Liga (PSL) Grand Prix 2013 kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 12 hits si Thai import Wanida Kotruang, habang ang mga locals na si­na Sandra delos Santos, Ai­za Maizo-Fontillas at Pau So­riano ay may tig-11 at ang Lady Rising Suns ay nag­domina sa laro para sa unang panalo sa ligang may basbas ng International Vollebayll Federation (FIVB).

“May mga adjustments kami sa laro dahil sila Mai­zo-Fontillas at Joy Benito ay ginawa kong setters para ma-accommodate ang mga guest players namin,” wika ni coach Nestor Pamilar na hindi nagamit si Angeli Ta­baquero na may shoulder in­jury.

Naramdaman ng Blaze Boosters ang pagkawala ng limang manlalaro upang mangapa sila sa kanilang por­ma.

Walang manlalaro ng ko­­ponan ang nasa doble-pi­gura at ang nagbabalik na si Dzi Gervacio ang namuno mula sa kanyang siyam na puntos, habang ang guest pla­yer na si Shinako Tanako ay may anim. (ATan)

 

Show comments