Rockets, Pacers sabik nang maglaro sa Manila

MANILA, Philippines - Hindi na makapaghintay ang Houston Rockets at ang Indiana Pacers para sa kanilang paglalaro sa Pilipinas bilang bahagi ng NBA Global Games Philippines 2013.

Mismong si Rockets’ head coach Kevin McHale ang nagsabi na nananabik na siyang bumisita sa bansa para sa kanilang preseason game ng Pacers sa Oktubre 10.

“There has been a lot of talk about the Filipino passion for basketball from those who have visited and played the game over there. We can’t wait to experience it first-hand,” wika ni McHale.

Ito naman ang magiging ikatlong pagkakataon na babalik sa bansa si Houston star James Harden.

“We’re just excited to come over to play the game and give Filipinos a great show. I’m excited and happy to be back in Manila and see familiar faces,” sabi ni Harden. “Fan base is amazing over in the Philippines. The crowd is unbelievable.”

Wala pang active player ng Indiana ang nakadalaw sa bansa maliban kay dating Pacers’ forward Sam Perkins na nagpasinaya sa 100 Days Countdown ng NBA Global Games noong Hulyo.

Bagama’t nanalo ang Pacers sa pito sa huli nilang siyam na laro, angat pa rin ang Rockets sa kanilang all-time series, 48-33.

Winalis ng Pacers ang kanilang season series ng Rockets sa nakaraang 2012-13 season.

 

Show comments