Unang tiket sa semis, sinelyuhan ng PNP

MANILA, Philippines - Bumangon ang Philippine National Police mula sa isang 21-point deficit sa third period para kunin ang 92-89 overtime victo­ry laban sa Judiciary sa 1st UNTV Cup noong Linggo sa Pasig Sports Center, Pa­sig City.

Humugot si dating UA­AP standout Olan Omi­ping ng 22 sa kanyang 38 points sa fourth period at sa overtime periods, habang sumuporta naman sina James Tacsay, Jay Misola at Japhet Cabahug para ibigay sa PNP ang una sa dalawang outright semifinals seat mula sa kanilang league-best 4-0 record.

Sina Tacsay at Misola ang nagpalitan sa pagba­bantay kay dating PBA pla­yer Don Camaso na hu­ma­kot ng 38 points at 18 rebounds, ngunit may 5 markers lamang sa se­cond half.

Dinala ni Cabahug ang PNP sa overtime mula sa kanyang dalawang free throws para itabla ang laro sa 78-78 sa regulation.

Nagwakas naman ang itinala ng Judiciary na isang three-game winning streak sa kabila ng pagtatala ng isang 21-point lead sa third period.

Kinuha ng Judiciary ang 74-54 kalamangan sa hu­ling walong minuto sa fourth quarter bago rumatsada ang PNP para pumuwersa ng overtime.

Nakasalo ng AFP sa ikalawang puwesto ang Judiciary mula sa magkatulad nilang 3-2 record matapos kunin ng una ang 114-86 panalo kontra sa Metro Manila Development Authority, habang tinapos ng Congress-LGU ang kanilang three-game losing skid buhat sa isang 98-65 tagumpay laban sa Department of Justice.

Nagtala si dating PBA player at kasalukuyang Emilio Aguinaldo College coach na si Gerry Esplana ng 25 points, 6 rebounds, 6 steals, 4 assists at 1 steal para pangunahan ang Congress-LGU sa pag­sibak sa DOJ (0-5) sa seven-team league na inor­ganisa ng Breakthrought and Milestones Productions International (BMPI) sa ilalim ni CEO and Chairman Daniel Razon.

 

Show comments