Amit tinumbok ni Centeno

MANILA, Philippines - Dinalawahan ni billiards sensation Cheska Centeno si dating world women’s 10-ball champion Rubilen Amit, 7-3, para umabante sa gold medal round ng women’s 10-ball event sa 2013 PSC-POC National Games sa Rizal Memorial Pool Hall.

Nauna nang sinilat ng 13-anyos na si Centeno, ang bronze medalist sa 2011 National Games sa Baguio City, si Amit, 7-6, sa kanilang unang pagkikita.

Makakasagupa ng Zamboanga City na si Cen­teno para sa gintong medalya bukas si national team member Iris Ranola na bumigo sa kanya, 7-2, sa kanilang unang paghaharap.

Ginulat ng 23-anyos na si Macky Lopez si da­ting World 9-ball champion Francisco “Django” Bustamante, 9-4, sa men’s 9-ball event.

Pinana naman ng 17-anyos na si Ian Chipeco ang kanyang pangatlong gold medal nang maghari sa team events ng archery sa PUP Field sa Sta. Mesa.

Sa taekwondo sa RMSC, tanging si Christian Al Dela Cruz ang miyembro ng national team na naka­pitas ng gintong medalya nang mamayani sa men’s welterweight division.

Ang iba pang kumuha ng gold medal sa kani-ka­nilang mga weight classes ay sina finweight Matthew Michael Padilla ng Arellano, flyweight Joenel Rendora ng University of the East, bantamweight Lorenz Chavez ng RTU, feather­weight Eddtone Bobb Lumasac ng RTU, lightweight Arven Alcantara ng National University, middleweight Tatoy Cordoro ng UP-Diliman at heavyweight Nicole Zapanta ng Pasig.

Show comments