JR. NBA Regional Selection Camp dadayo sa Lucena

MANILA, Philippines -  Isasagawa ngayong araw ng Jr. NBA Philippines 2013 na inihahandog ng Alaska ang kanilang ikatlong Regional Selection Camp sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Ang two-day selection camp para sa mga ba­tang lalaking may edad na 10 hanggang 14-anyos ay magbibigay sa mga par­tisipante ng pagkaka­taong makasama sa isang learn-and-achieve camp na hahasain ang kanilang husay sa pamamagitan ng NBA style skills tests at basketball drills.

Ang camp ay magsisi­mula sa alas-9 ng umaga at magtatapos bukas.

Ang NBA Cares acti­vity ay idaraos sa Barangay 1 Day Care Center sa Abril 8 kung saan ang mga batang may edad 3-8-anyos ay makakalahok sa Fun Basketball Clinic sa ilalim ng paggabay ng Jr. NBA Coaching Staff at mga bagong napiling Jr. NBA participants mula sa Lucena.

Nakatakda naman ang National Training Camp sa Maynila sa Abril 26 hanggang 28.

 

Show comments