Smart officials tumakbo sa Condura Skyway Marathon

MANILA, Philippines - Nakiisa ang mga ehekutibo at empleyado ng Smart Communications, Inc (SMART) sa Condura Skyway Marathon na ginanap kamakailan sa Filinvest, Alabang.

Nagawang tapusin nina Smart Internet marketing head Lloyd Manaloto at tax department head Rina Manuel ang 42-K marathon habang tumakbo naman sa 21-K si Kathy Carag, ang postpaid department head.

Tinuran ni Manuel ang suporta ng mga ka-opisina na siyang nagbibigay sa kanya ng tip kung paano tumakbo at nagbibigay ng donasyon sa isinusulong na run-for-a-cause kaya’t nakumbinsi na tumakbo na rin.

“My Smart officemates donate an amount for every kilometer I finished, for the benefit of school children under the Tahanan ng Panginoon Educational Assistance Program (TEAP),” wika ni Manuel.

Sa pagbabasa naman nakakakuha ng balita sa makabagong pamamaraan sa pagtakbo si Manaloto na siya niyang ginagamit sa nilalahukang karera.

Hindi naman dapat pagtakhan ang pagkahilig ng mga taga-Smart sa ganitong aktibidades dahil may mga grupo silang sumusuporta sa palakasan tulad ng Samahang Mananakbo ng Smart (SMS), Smart Triathlon Club, Smart Cycling Club, Smart Mountaineering Club at Smart Futbol Club.

 

Show comments