So, Barbosa paghahandaan ang World Cup

MANILA, Philippines - Dadaan sa matinding pagsasanay sina GMs Wesley So at Oliver Barbosa para mapaghandaan ang World Cup na gagawin sa Tromso, Norway mula Agosto 10 hanggang Set­yembre 5.

Sina So at Barbosa ay sasailalim sa tour sa Europe sa Hunyo at unang linggo ng Hulyo para palakasin ang paghahanda sa torneo.

Nakamit ni So ang pu­­westo sa World Cup nang pumangalawa sa Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay City habang si Barbosa ay nakatiyak ng puwesto nang tumapos sa ikalimang puwesto sa 2012 Asian Continental Chess Championship sa Vietnam.

May posibilidad na madagdagan pa ang kakatawan sa bansa sa kompetisyon sa Norway dahil sa gaganaping Asian World Cup elimination mula Mayo 22 hanggang 29 sa lugar na hindi pa pinangangalanan ng FIDE.

Ang Pilipinas ay nagbigay ng pahayag sa international body ng kahandaan na itaguyod ang kompetis­yon upang lumakas ang tsansa ng mga panlaban na makakuha ng puwesto sa World Cup.

 

Show comments