Pinigil ang 5-game winning streak ng Ginebra: Barako may tsansa pa

Laro sa Miyerkules

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. Globalport vs Air21

7:30 p.m. Petron vs Alaska

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpigil sa five-game winning streak ng mga Gin Kings, binuhay ng Energy Cola ang kanilang pag-asa sa quarterfinal round.

Umiskor si Ronald Tubid ng 18 points para tulungan ang Barako Bull sa 83-79 panalo kontra sa Barangay Ginebra San Miguel sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Siguro ‘yung napakagandang laro ng Ginebra last time, their tendency is to go down,” sabi ni Energy Cola coach Bong Ramos sa Gin Kings.

Tumabla ang Barako Bull sa Air21 sa magkatulad ni­lang 4-9 record sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (11-2), San Mig Coffee (8-3), Rain or Shine (8-4), Ginebra (7-6), Meralco (7-6), Alaska (6-6) at Petron Blaze (6-7) kasunod ang sibak nang Globalport (1-10).

Matapos kunin ng Gin Kings ang first period, 17-16, inagaw ng Energy Cola ang unahan, 29-21, patungo sa kanilang 13-point lead, 68-55, sa third quarter.

 Ang dalawang freethrows ni Tubid ang nag-angat sa Barako Bull sa 83-73  kasunod ang dalawang sunod na three-point shot ni Jayjay Helterbrand na nagdikit sa Ginebra sa 79-83 agwat sa natitirang 5.2 segundo.

Tumapos si Helterbrand na may 18 markers.

Barako Bull 83 - Tubid 18, Najorda 14, Yap 14, Cruz 10, Seigle 10, Kramer 6, Pennisi 6, Anthony 4, Ballesteros 1.

Ginebra 79 - Helterbrand 18, Caguioa 13, Ellis 12, Mamaril 12, Maierhofer 8, Tenorio 8, Raymundo 6, Wilson 2, Taha 0, Maliksi 0, Espiritu 0, Hatfield 0.

Quarterscores: 16-17; 29-26; 52-45; 83-79.

 

Show comments