Hogs Breath Cafe, Steel Trust nanilat sa DELeague

MANILA, Philippines - Nakitaan  ng husay ang dating pambatong sentro ng Jose Rizal University na si Floyd Dedicatoria para tulungan ang Hogs Breath Café sa 73-64 panalo laban kay PL iTrade Inc. sa 2nd DELeague Open Invitational Basketball Cup noong Huwebes sa Marikina Sports Park Gym sa Marikina City.

May 18 puntos at siyam na rebounds ang 6’4” na si Dedicatoria para ibigay sa kanyang koponan ang ikatlong sunod na panalo sa ganoong dami ng laro.

Si Mark Jeffries ay may 24 puntos para sa PL iTrade  na nalaglag sa 2-2 baraha.

Sa isa pang laro, dinurog ng Steel Trust Corporation ang ACS Team, 94-76, para sa ikatlong tagumpay matapos ang apat na laro.

May 20 puntos si Luis Palaganas at 17 naman ang hatid ni Marvin Hayes at ang Steel Trust ay nananatiling nasa unahan sa Group A.

Show comments