Smart suportado ang World Karate meet

MANILA, Philippines - Kinuha ng International Shotokan Karate Federation (ISKF) Philippines, Inc. ang local affiliate ng pinakamalaking karate or­ganization sa mundo, ang nangungunang wireless services provider na Smart Communications, Inc. (Smart) para ma­ging major sponsor ng 2nd ISKF World Shoto Cup na nakatakda sa Cebu City sa Nobyembre 8-11, 2012.

 Ang nasabing quadrennial event na tinawag na ‘Olympics of Karate’ ay hu­hugot ng mga partisipante mula sa 15 bansa, kasama dito ang Pilipinas, Iran, South Africa at United States na nagkampeon sa inaugural tournament noong 2008 sa Canada.

“Smart in the last two years has been involved with us in launching the successful Smart Karate Kids series and the Okazaki Cup,” sabi ni David Lay, Jr., ang country director para sa ISKF Philippines.

Ang Smart Karate Kids ay isang karate tournament at clinic, habang ang Okazaki Cup ay isa pang international tourney na idinaos sa bansa noong 2011.

Ito ay kapwa sinuporta­han ng Smart Sports.

 

Show comments