^

PSN Opinyon

Ano ang emphysema

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PANINIGARILYO ang dahilan kaya nagkakaroon ng emphysema. Ang emphysema ay sakit sa baga dahil matagal na panahong paninigarilyo. Bukod sa paninigarilyo, ang paglanghap din ng hangin na polluted ang dahilan ng emphysema.

Ang baga ay may mga maliliit na air sacs kung saan pumapasok sa katawan ang oxygen at lumalabas ang carbon dioxide.

Dahil sa usok at polusyon, puwedeng masira ang mga air sacs ng baga at mapigilan ang pagpasok ng oxygen sa katawan. Dahil sa sigarilyo, tumitigas ang baga, nag-iipon ang plema at nahihirapan nang huminga ang pasyente.

Ano ang gamot sa emphysema? Wala pa talagang lunas ang emphysema. Kapag nasira na ang baga, hindi na ito maiaayos muli. Hindi naman puwedeng operahan at palitan ang baga.

Ano ang nagiging buhay ng taong may emphysema? Lagi silang hirap huminga. Kaunting lakad lang ay parang kapos na sa hangin. Mayroong mga inhalers na inirereseta ang doktor na puwedeng makatulong. At sa bandang huli ay nangangailangan pa ng oxygen tank sa bahay para lang makahinga. Grabe talaga ang pinsala ng sigarilyo!

Kung ayaw ninyong magka-emphysema, sundin ang mga sumusunod na payo:

1. Ihinto ang paninigarilyo. Hindi pa huli ang lahat. Basta itinigil ang paninigarilyo, mapipigilan ang tuluyang pagkasira ng baga.

2. Umiwas sa lugar na may naninigarilyo. Kapag may kasama kang naninigarilyo, para ka na rin nanigarilyo ng 3 sticks sa bawat oras na kasama mo siya.

3. Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

4. Kumain ng anim na beses sa isang araw pero kaunti lang. Halimbawa, isang saging lang sa meriyenda. Masama kasi ang sobrang busog sa may emphysema dahil naiipit ng tiyan ang iyong baga.

5. Abutin ang tamang timbang. Hindi maganda ang sobrang taba at ang sobrang payat din. Kapag payat ka masyado, mawawalan din ng lakas ang katawan. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay, prutas, isda at manok.

6. Tamang paghinga: Huminga nang malalim ng nakabuka ang bibig. Gamitin ang tiyan sa paghinga.

7. Habaan ang iyong pag-exhale (paglabas ng hangin). Subukang mag-exhale ng nakabilog ang bibig (purse lip breathing). Para bang humihipan ka sa isang straw. Mapipigilan nito ang pagsara ng mga air sacs sa baga.

8. Uminom ng vitamin C at E. Mga anti-oxidants ito at baka makatulong sa masamang epekto ng paninigarilyo.

9. Magsuot nang maluluwag na damit. Magluwag din ng pantalon para hindi mahadlangan ang paghinga.

10. Matulog nang nakaangat ang ulo at katawan. Gumamit ng 2-3 unan.

11. Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto at maganda ang daloy ng hangin. Kung may air-conditioner ay mas makagiginhawa pa.

12. Mag-relax at mag-dahan-dahan lang sa inyong gawain.

13. Humingi ng suporta sa pamilya at magpatingin sa isang espesyalista sa baga.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with