Quiboloy makakalaboso

Malaki ang problema ng religious leader na si Apollo Qui­boloy. Kung nagawa niyang isnabin ang mga subpoena at arrest warrant ng Kongreso, nakapangingilabot kapag inilabas na ng Korte ang warrant of arrest sa kanya laban sa kasong sexual at child abuse at human trafficking.

Tiyak, kalaboso ang destinasyon ng pastor dahil non-bailable ang mga kaso. Kinasuhan na siya ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong nabanggit.

Paano pa kapag humirit na ng extradition ang U.S. sa pamahalaan upang harapin ng pastor ang mga kasong naka­sampa sa kanya roon? Patung-patong ang bigat na papa­sanin ni Quiboloy.

Suma-total, kung iiwasan niya ang aresto, siya ay magi­ging fugitive of the law. Siguradong hindi siya magpapa­aresto at malamang puprotektahan siya ng mga miyembro ng kanyang sekta.

Kung magkagayon ito ay magiging running battle­ sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga followers­ niya na nauna nang nagpahayag ng kahandaang mamatay para sa kanya.

Nanganganib din ang bilyong pisong halaga ng mga ari-arian ni Quiboloy kapag nagtuluy-tuloy ang kaso kaya pinaghandaan na niya ito sa pamamagitan ng pagtatalaga kay dating Presidente Duterte bilang administrator ng kanyang ari-arian.

Lumiliit and daigdig ni Quiboloy.

Show comments