^

PSN Opinyon

Tambaoan, pumiyok sa ‘tong’ vs vendors sa Caloocan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Deny to death si retired Gen. Bernard Tambaoan na sang­kot ang opisina niya sa kotong sa mga vendors sa Caloocan City. Subalit inamin ni Tambaoan na ang tinatawag na doberman, na ayon sa mga kosa ko, ay nagpapahirap sa mga vendors na si S/Sgt. Russel Sabado ay security officer niya. Sinabi ni Tambaoan na halos isang buwan pa lang siya sa puwesto bilang hepe ng DPSTM South at puro pag­lilinis o clearing operation sa kalye ang ginagawa nila.

“Mali ‘ata ang report na nakarating sa iyo. ‘Yong buong one month ko, puro clearing kami. Gusto ko lang linisin ang Caloocan at wala sa ayos ito,” ayon kay Tambaoan. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon kay Tambaoan, marami silang nasagasaan at umaaray sa clearing operations nila. Siyempre, aniya, ang mga tinamaan ay ‘yaong ayaw ng kaayusan sa Caloocan. Iginiit ni Tambaoan na noong bata pa siya, nagtrabaho rin siyang vendor kasama ang nanay niya. “Alam ko ang damdamin nila. Naranasan ko rin ang makipagpatintero sa mga pulis kumita lang ng konti para mairaos ang pang-araw-araw at magkalaman ang sikmura,” ang dagdag pa n’ya.

Idinugtong pa ni Tambaoan na ang isa sa panuntunan niya sa buhay ay ‘wag mang-api ng kapwa. “Isa lang assured ko sa ‘yo. Gagawin ko lang kung ano ang tama. At the end of the day, you are only accountable to God who seen everything you done,” ayon kay Tambaoan. Mis­mooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa mga kosa ko, si Sabado ay nangungolekta ng weekly payola, hindi lang sa mga vendors kundi maging­ sa illegal jeepney terminal. Hindi lang naman si Tambaoan ang pangalang ginagasgas ni Sabado kundi pati pangalan ng hepe ng Caloocan City police. Araguyyyyy!

Ipinarating pa ng Dipuga ang pang-aabuso ni Sabado kay NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nar­tatez na may suhestiyon na ipadismis niya ito. Mismooooo! “Kawawa naman ang security ko. Politically motivated ‘ata ang isyu mo,” ayon kay Tambaoan sabay hirit na balak ni Sabado na magsampa ng kaso. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi naman ng mga kosa ko na si Tambaoan ay hindi nakalinya kay Caloocan City Mayor Along Malapitan kundi sa ama na si Rep. Oca Malapitan. Abayyyyy, may iringan ang mag-ama? Tsk tsk tsk! Baka magamit pa na isyu itong hindi pagkaunawaan ng mag-ama ni ex-Sen. Antonio Trillanes sa 2025 elections ah? May posibilidad, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Kung sinuman ang nagpapasikat kay Sabado at sa opisina ni Tambaoan ay dapat patunayan nila ito, ayon sa retired general. Kung sabagay, may punto si Tambaoan na ang tinamaan ng clearing operations niya ang maaring nagdenunsiyo sa kanya at kay Sabado. Ano pa nga ba? Away “timbre” lang kaya ito? Abangan!

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with