^

PSN Opinyon

Pinoy nurses sa UK rumarampa!

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Kabilang ang United Kingdom (UK) sa mga bansang madalas at patuloy na kumukuha ng mga nurse sa Pilipinas. Pero kumpara sa mga nasa ibang bansa, tila nagiging higit na prominente ang mga Filipino nurses na naninirahan at nagtatrabaho sa UK, na kilala rin sa pangalang Britanya.  Marami na rin namang mga nurse na Pilipino sa United States, Canada, Europe, Middle East, Southeast Asia, at iba pang bahagi ng mundo na nagpapahiwatig ng malaking interes, pagkagusto at pagkilala  sa kanilang mga dayuhang employer bagaman kapansin-pansin sa nagdaang ilang taon ang mga natatanging parangal at pag-kilala sa mga nagtatrabaho sa National Health Service (NHS) ng UK na pinapatakbo ng pamahalaan nito.

Isa sa maaaring paliwanag dito ang napaulat na pahayag noong nakaraang taon ng ambassador ng UK sa Pilipinas na si Laure Beaufils, na nagsabing nananatiling malakas ang pangangailanan sa mga nurses at iba pang health workers  na Pilipino na nakaukit na ng “kahanga-hangang reputasyon” sa mga mamamayan ng UK dahil sa kanilang “pag-aalaga, pagmamalasakit at kabutihan.”

Sa isang pahayag sa GMA, binanggit ni Beaufils ang salitang Tagalog na “Malasakit” bilang maikling paglalarawan sa katangian ng mga nurse na Filipino na nakikintal sa isip ng maraming mamamayang Bri-tish. Sinabi pa niya na bawat tao sa UK ay may kanya-kanyang kuwento kung paanon inaalagaan ng isang nurse na Pilipino ang miyembro ng kanilang pamilya.

“Makatawag-pansin ang bilang ng mga tao na nakakausap ko at nagsasabing, ‘Naku, ang tatay ko, nasa ospital at, alam ninyo, sa England, inaalagaan siya ng isang Filipino nurse, at ang tiyahin kong naospital, Filipino nurse ang tumitingin sa kanya’, at lahat ay may sariling kuwento kung paanong nagpapakita ng pag-aalaga, pagmamalasakit, at kabutihan ang mga Filipino nurse o duktor,” paglalarawan pa ng ambassador sa wikang Ingles.

Sinasabi naman sa website ng Tinig UK na sa nagdaang limang taon, nakikilala at napapaulat  ang mga tagumpay, kahusayan at dedikasyon sa trabaho ng daan-daang mga healthworker na Pilipino sa Britanya lalo na iyong mga nurses.

Nabanggit pa sa isang artikulo sa  Tinig UK na tinatayang merong 40,000 Filipino na nagtatrabaho sa NHS. Batay anila ito sa mga news report pero hindi ipinahiwatig kung sa buong bansang UK ito o sa Inglatera lamang. Maaaring mas mataas pa ang bilang kung isasama ang mga Filipino nurses na nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Nagniningning ang mga Filipino nurse sa Britain sa nagdaang limang taon. Isa sa kanila, si May Parsons, ang nakatanggap noong 2022 ng George Cross medal, ang pinakamataas na civilian gallantry award sa UK, sa ngalan ng NHS, dahil siya ang unang nangasiwa sa pagturok sa isang pas-yente ng unang bakuna laban sa coronavirus 2019. Anim na nurse ang ginawaran ng Bri-tish Empire Medal at ang iba ay kinilala sa natatangi nilang mga trabaho.

Sa kasagsagan noon ng pandemya, 80 Filipino healthcare workers ang namatay sa Covid-19. Sa mga dayuhang healthcare workers na namatay sa naturang sakit sa UK, pinakamataas ang bilang ng mga nagmumula sa Pilipinas.

Ilan ding mga Filipino na nagtatrabaho sa NHS ng Britanya ang umangat sa posisyon mula nang manalanta ang Covid. Si May Parsons ay hinirang na associate chief nurse director for risk governance and compliance at Buckinghamshire  Healthcare NHS Trust. Si Jennifer Caguioa ang unang internationally educated senior nurse at head ng global at the Florence Nightingale  Foundation. Si  Edmund Tabay ang unang Filipino na itinalagang director of nursing for a newly created mega trust.

Kulang ang espasyo sa kolum na ito para sa malaking bilang ng mga nurse na Filipino na kinilala at pinarangalan sa UK. Ilan lang sa kanila  sina Louie Horne, 2023 – British Empire Medal (BEM), for being the ambassador of diversity, inclusion and equity in the NHS; Brenda Deocampo, 2023 – Member of the Order of the British Empire (MBE),  acute medicine ward manager for services to nursing; Ediscyll Lorusso, 2022 – National Lifetime Achievement Award, Our Health Heroes Awards, for her innovation and excellence in thrombosis care; Dennis Singson, 2022 – International Community Nurse of the Year Award, The Queens Nursing Institute, for advancing mental health in the community; Marc Rodriguera, 2022 – International Community Nurse of the Year Award, The Queens Nursing Institute, for harnessing technology for community care; Wilfredo Manuel, Awards, for his work as vascular access clinical nurse specialist at Imperial College London;  Charito Romano, 2021 – British Empire Medal (BEM), for leading the nursing and care team to keep colleagues and care home residents safe at the peak of Covid; Xyza Macutay Malloch, 2021 – British Empire Medal (BEM),  for protecting care home residents throughout the pandemic as care home manager; Minerva Klepacz, 2020 – British Empire Medal (BEM), for leading the risk assessment for ethnic minority staff at her hospital during Covid; at Joy Montalba Ongcachuy, 2018 – British Empire Medal (BEM), for treating victims of the 2017 London terror attack.

* * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with