27 uncontested barangays sa Davao City

MAY tinatayang 27 barangays na sinasabing uncontested sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dito sa Davao City sa Oktubre 30.

Ang 27 ay hango sa 182 barangays na meron ang siyudad.

Ayon naman sa Commission on Elections (Comelec), wala naman itong nakikitang gulo o tinatawag na election violence dito.

Wala namang nababalitang intense rivalry sa mga mag­kabilang panig sa halalan na darating.

Ipinangako naman ng Davao Light and Power Company na mayroong sapat na supply ng kuryente sa araw ng eleksyon at sa panahon ng bilangan kaya magiging honest, orderly and peaceful ang BSKE elections dito.

“There will be enough power supply, we have contingency plans and bilateral contracts direct from the power supplies and even Wholesale Electricity Spot Market (WESM) for that day. We will on standby for any eventuality,” sabi ni Fermin Edillon spokesman ng DLPC.

“Full-force kami during elections kasi we will also be monitoring the entire process,” sabi pa ni Edillon.

Show comments