^

PSN Opinyon

Motorcycle taxi dapat dagdagan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PRAKTIKAL na solusyon sa kakulangan ng public transportation at matinding trapiko ang pagdaragdag ng mga motorcycle taxi.  Kayang-kayang dumiskarte ng mga ito sa masikip na trapiko para mapabilis ang biyahe ng mga pasahero. Basta dagdagan lang ng driver ang pag-iingat para iwas sakuna.

Ngunit tila may gustong solohin ang operasyon ng motorcycle taxis. Nag-hearing ang  Kongreso sa mga reklamo sa shares acquisition ng Grab sa Move It. Si Transportation Secretary Jaime Bautista mismo ang nagsabing walang ilegal sa shares acquisition ng Grab sa Move It pero kinukuwestiyon nila? Pero hindi sila pumalag nang ang Angkas ay nagkaroon ng capital infusion na mahigit P500 million mula sa Malaysian private equity firm na Creador?

Hinarang din noon ng Angkas ang pagpasok ng ibang players gaya ng JoyRide at Move It. Buti na lang hindi pumayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na manaig ang monopolyo. May iba pang  players na nagkaroon ng investment mula sa iba kompanya sa mga nakalipas na taon. Ayon sa Securities and Exchange Commision, tumaas ang asset ng Angkas mula P89 million noong 2020 at naging P588.23 million noong 2021. 

Isa pang tanong: bakit yung mga umaalma sa Grab at Move It acquisition ay sumang-ayon noon sa Angkas sa pagharang ng JoyRide at Move It noong 2019. Ito ang mga transport groups na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at National Public Transport Coalition.  

Pero take note, kahit nakapasok ang ibang ­players, mahigit 50% ang hawak ng Angkas na MC taxi sa Metro Manila. Paliwanag nga ni Cong. Stella Quimbo sa  hearing  “a dominant player is one who controls 50% of market.” Klarung-klaro na ang grupo ng Angkas ang nangingibabaw na MC taxi sa bansa. 

Walang anomalya sa Grab-Move It acquisition, lalo pa’t ganundin naman ang naging patakaran sa paglago ng ibang kompanya. Makabubuti sa publiko ang pagkakaroon nang maraming players sa anumang industriya. Kapag may competition, tumataas ang kalidad ng serbisyo at bumababa ang presyo.

vuukle comment

MOTORCYCLE TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with