^

PSN Opinyon

‘Teacher’s pet’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ako’y humahanga sa ginawa ni Vice President Sara Duterte. Bilang pinuno rin ng Department of Education (DEPED), naging proactive siya bago pa tuluyang lumala ang kanyang nakikitang problema.

Matatawag na approach avoidance ang paglulunsad niya kamakailan ng Child Protection Unit website at Learner Telesafe Contact Center National Hotline.

May kinalaman ang inisyatibong ito sa pagbabawal sa mga guro na makipag-interact, makipagkomunikasyon­ at makipagrelasyon sa kanilang mga estudyante. Ikinagalit ito ng ilang teacher’s organization. Labag daw ito sa kara­patan nila sa freedom of expression at right to self-orga­nization.

Say what? Excuse me, hindi kayo ang isyu rito. It’s about empowering our kids.

With due respect mga mam and sirs, your rights will always be subservient to the rights of those who are protected by the state. In this case, ang mga menor-de-edad at estudyante.

Tandaan, ang mga estudyanteng menor-de-edad ay wala pang discernment, rationality lalung-lalo na logic. Wala silang kayang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Kuwidaw, baka akala ng ating mga anak, bragging rights na favorite siya ni teacher o crush siya ni teacher. Lingid sa kanilang kaalaman, ang inaakalang teacher’s pet, may pagnanasa na pala.

Hindi nakikita ng mga kontrapelo na ang inisyatibong ito ng bise presidente ay para sa mga kabataan, magulang at pati na rin eskuwelahan. Paraang magbibigay ng ka­alaman para proteksiyunan ang mga kabataan na posib­leng nalalagay na sa bitag ng pananamantala.

Kaalaman na magtuturo sa mga estudyante’t magulang na makita ang mga red flags o tail signs o senyales na may nabibiktima na.1Paraan para sa publiko na makapagsumbong at makarating sa kinauukulan. Mapalawak pa ang mga karapatan at proteksiyon ng mga kabataang pananagutan ng estado.

Ano ang pinaghuhugutan ni VP Sara sa paglulunsad ng mga inisyatibong ito at pagbabawal sa mga guro sa kanilang interaksiyon sa mga estudyante?

Aminin man natin o hindi, ang ilang pananamantala, kung minsan ay guro ang nasa likod nito. Saan mang bokasyon at hanay, may mga naliligaw ang landas. Sumang-ayon man kayo o hindi, ang pananamantala ay nagsisimula sa pagkakaroon ng interes o paghanga at kalaunan, pagnanasa na.

Karapatan niyong kumontra pero ‘wag kayong magbulag-bulagan na tingnan ang layunin ng panukala. O baka naman ‘yung mga umaapela’t kumokontra, ‘yun ang mahilig makipaghuntahan sa kanilang mga estudyante?

Bakit nga naman ba kasi maguugnayan ang mga guro’t estudyante kapag hindi na oras ng klase o nasa labas na ng eskwelahan? Aware ba ang mga magulang ang mga ugnayang ito?

Idikdik sa kukote n’yo ‘to, iisa lang ang lider sa DepEd. If you cannot understand, if you cannot follow, then get out of the way.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with