^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinas, balot pa rin ng korapsiyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pinas, balot pa rin ng korapsiyon

NASA “medium risk” ng korapsiyon ang bansa batay sa resulta ng Corruption Perception Index na lumabas noong nakaraang Enero at sa isinagawang pag-aaral ng Transparency International.

Sa Global Corruption Index 2022, na lumabas noong nakaraang linggo, nasa ika-105th ang Pilipinas sa 196 na bansa kung ang korapsiyon ang pag-u­usapan.

Noong 2020, ika-111th ang Pilipinas; 102nd noong 2021 at ngayong 2022 ay ika-105th nga. Hindi pa rin naglalayo ang ranking ng bansa sa korapsiyon at malayo pang maabot ang tinatamasa ng ibang bansa na walang bahid ng korapsiyon.

Masyadong malayo ang puwesto ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia. Ang Singapore ay ika-13; Malaysia (49th), Brunei (79th), Indonesia (98th) at Thailand (101st).

Ang mga bansa na  pinaka-very low risk sa corruption ay ang Norway, Finland, Sweden, Denmark, Estonia, New Zealand, Iceland, Australia at Ireland.

Nakabalot sa korapsiyon ang Pilipinas at sa pana­ginip na lamang matatamo ang tinatawag na “malinis na paglilingkod” na walang bahid ng korapsiyon. Dito, hindi gagalaw ang mga nilalakad na dokumento sa pamahalaan kung hindi magpapadulas ng pera. Pinaghihintay nang matagal ang taumbayan para makakuha ng permit sapagkat kailangang maglagay. Aabutin ng “siyam-siyam” kung hindi maglalagay sa hepe at sa mga tauhan.

Laganap ang korapsiyon sa Customs at BIR. Maraming nakalulusot na kontrabando at walang pumapasok na tax sa pamahalaan. Pawang sa bulsa ng mga korap sa Customs at BIR ang hantong ng pera. Gaano karaming korap sa mga nasabing tang­gapan ang nagsiyaman.

Marami ring nangyayaring korapsiyon sa DPWH at LTO. Maraming proyekto ang hindi tumatagal o nasisira dahil ang ginamit na materyales ay pinagkakitaan. Nitong panahon ng pandemya, pinagkakitaan ang mga gamit para sa COVID. Dahil sa korapsiyon, hindi maibigay ang benepisyo sa healthcare workers.

Hanggang kailan ang korapsiyon sa bansang ito. Mahirap sagutin. Hangga’t marami ang nasisilaw sa salapi, tiyak magpapatuloy.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with