^

PSN Opinyon

Mababaw na dahilan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Isang kaso na naman ito tungkol sa diborsyong nakuha sa ibang bansa na kinilala dito sa Pilipinas. Ang tanong ay kung parehong kikilalanin sa ating bansa ang foreign divorce na parehong ginusto ng dating mag-asawa. Ito ang kaso nina Nida at Yoshida.

Si Nida ay isang Pilipina samantalang isang Japanese national naman si Yoshida. Labindalawang taon na silang kasal bago naisipan na maghiwalay ng landas. Hindi nag­tagal ay may nabuntis na ibang babae si Yoshida kaya humingi siya ng diborsiyo kay Nida.

Noong una ay ayaw pumayag ni Nida pero sa kakulitan ni Yoshida ay pumayag na rin siya at pinirmahan ang divorce papers. Nabigyan ng divorce decree sina Nida at Yoshida na itinala sa Family Register sa lungsod ng Japan. Natanggap din nila ang Receiving Certificate pati Divorce Decree.

Pagkatapos noon, nagsampa ng petisyon si Nida sa RTC para kilalanin ang divorce sa ating bansa pati para magkaroon siya ng pagkakataon na muling magpakasal. Isinumite nya ang lahat ng ebidensiya at mga dokumentong nagmula sa Japanese office.

Pero hiningi ng OSG (Office of the Solicitor General) bilang kinatawan ng Republika ng Pilipinas na ibasura ang petisyon dahil pareho daw ginusto nina Nida at asawa nito ang diborsyo. Hindi raw ito ang klase ng diborsyo na nakasaad sa ilalim ng batas (Art. 26 Family Code). Kaya hindi dapat kilalanin sa Pilipinas ang nasabing divorce ng mag-asawa.

Pero pinagbigyan ng RTC ang petisyon ni Nida. Napa­tunayan ng RTC na sinunod ni Nida ang lahat ng kaila­ngan alinsunod sa Art. 26 ng Family Code kaya hindi nito tinanggap ang argumento ng OSG. Nang umapela ay binaliktad naman ng Court of Appeals ang hatol ng RTC. Ang divorce na bunsod ng parehong kagustuhan ng mag-asawa ay hindi raw pwedeng kilalanin sa ating bansa tulad ng paniwala ng OSG. Tama ba ang CA?

Hindi, ayon sa Supreme Court. Ang pahayag ng SC, kung susundin ang interpretasyon ng OSG ay maiiwan sa kawalan si Nida na diborsiyado pero hindi puwedeng magpakasal. Ang sitwasyon niya ay tulad ng kinakaharap nang marami sa ating mga kababayan na hindi sinuwerte sa kasal at mas malamang ay nagdiborsyo dahil sa kagus­tuhan ng magkabilang partido.

Ang masaklap dito, kapag hindi nakalusot sa ating mga hukuman ang divorce na nakuha sa ibang bansa ay lala­bas na nakiapid lang ang kababayan natin sa harap ng ating batas kung sakali at gusto nilang ipagpatuloy ang kanilang buhay at makipagrelasyon sa iba tulad ng kani­lang asawang banyaga.

Matindi pa rito, magiging bastardo ang mga anak nila na siyang bunga ng kasunod nilang relasyon sa iba. Kontra sa opinion ng OSG, ang divorce na kinuha ni Nida, maging­ ito man ay ginusto lang ng asawa niyang banyaga o pareho nilang kagustuhan ay dapat kilalanin sa ating bansa basta’t sumusunod sa lahat ng alituntunin ng ating batas (Rules of Court). (Basa-Egami vs. Bersales, etc., et. al., G.R. No. 249410, July 16, 2022).

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with