^

PSN Opinyon

Kalyo na makapal at matigas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang kalyo ay matigas na layer ng balat na nabubuo para protektahan ang iyong balat sa pagkakakiskis at sa pressure.

Kadalasan ito makikita sa mga kamay at paa. Hindi naman ito nakasasama. Ngunit ang paggamot nito ay kina-kailangan lamang kung nagdudulot ito ng hindi magandang pakiramdam sa iyo.

Tips para makaramdam ng ginhawa at makaiwas sa pagkakaroon ng kalyo:

1. Magsuot ng tamang sukat ng sapatos para hindi maipit ang mga daliri—Bumili ng sapatos na malambot ang suwelas. Piliin ang tamang sukat lamang, huwag maliit o malaki ang sapatos. Magsuot ng medyas para hindi kumiskis ang balat.

2. Magsuot ng gloves—Kung mabigat o paulit-ulit ang gawain na ginagamitan ng kamay magsuot nito. Puwede rin lagyan ng padding ang mga bagay na gagamitin tulad ng basahan pang-cover dito.

3. Ibabad ang mga kamay at paa sa maligamgam na tubig—Ang tubig na maligamgam ay nakapag-papa-lambot ng makapal at matigas na kalyo.

4. Gumamit ng panghilod na bato—Sa tuwing matatapos maligo, kuskusin ang kalyo ng batong panghilod, o kaya naman ay telang pangkukos para unti-unti itong numipis. Hindi ito ine-rerekomendang gawin para sa may diyabetes.

5. Subukan gumamit ng corn dissolvers na mayroong salicylic acid—Ito ay plaster-pad o kaya naman ay solution. Maaari itong bilhin sa drug store.

6. Gumamit ng moisturizer – Maglagay ng moisturizing cream araw-araw sa iyong mga kamay at paa para mapa­natili itong malambot.

Kung ang kalyo ay naging mas masakit o namamaga, kumunsulta sa iyong doktor.

KALYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with