^

PSN Opinyon

Itinatago ang asukal

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Tone-toneladang asukal ang nadiskubre ng Bureau of Customs sa San Jose del Monte, Bulacan at San Fernando, Pampanga noong Huwebes. Ipinag-utos ni President Marcos Jr ang pag-raid sa bodega ng asukal. Nang tanungin ang may-ari ng bodega na si Victor Chua kung bakit maraming asukal, sinabi nito na matagal na siyang kumukuha ng permit subalit ngayon ay hindi pa siya nabibigyan. Iniimbestigahan na si Chua.

Ang pagkakadiskubre sa tone-toneladang asukal sa mga bodega ay kasunod naman ng mga kontrobersiya sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na ilang opis­yales na ang nagbitiw sa puwesto. Unang nagbitiw si Leo­cadio Sebastian na pumirma sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal na walang basbas ni Marcos. Nagbitiw na rin sina Atty. Ronald Betran, at Hermenegildo Serafica.

Ikinatuwa naman ng sugarcane planters at millers ang pagkansela ni Marcos sa pag-import ng 300,000 metric tons ng asukal sa halip, 150,000 ang kanyang inaprubahan. Tama na raw ang dami nito hanggang matapos ang taon.

Sa pagbaba ng iniimportang asukal may pagkakataon ang local millers na maibenta ang kanilang produkto. Makikinabang ang mga local sugarcane farmers. Ang ma­bigat na pasanin ngayon ng sugar producers ay ang ma­taas na presyo ng abono. Nang pulungin ni President Marcos ang sugar producers noong Lunes, sinabi nito na maaring maibaba sa P70 bawat kilo ng asukal.

Nararapat namang maimbestigahan ang smuggling at ginagawang “pagtatago” ng asukal. Palagay ko may mga big time smugglers na kinakalong ng mga “hayok” sa Bureau of Customs. Palagay ko ang mga asukal na nakaimbak ay smuggled at ang tanong ay bakit nakalusot ang mga ito sa Customs. Bakit tukoy agad ng Customs ang mga bodega?

vuukle comment

ASUKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with