^

PSN Opinyon

Wala nang chopper rides

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kung dati sinusundo si dating President Rodrigo Duterte­ ng presidential choppers tuwing darating siya para umuwi rito galing Davao Airport patungong bahay niya o minsan kung saan siya pupunta, nakasakay siya ng chopper kung saan man siya papunta rito.

Kaya nga alam na alam ng mga kapitbahay ni Duterte ang tunog ng helicopters tuwing siya ay darating o paalis.

Ngunit nitong nakaraang Huwebes (Hunyo 30) na bumaba siya sa puwesto bilang presidente, nahinto na rin ang paggamit niya ng nasabing mga choppers.

Siya ay nakasakay na lamang sa ordinaryong land vehicle kung saan man niya gustong pumunta rito sa Davao City maging sa rehiyon.

At nandun naman ang muling pag-eenjoy ng dating presidente sa pagsakay ng kanyang big bike gaya ng dati.

Heto na si citizen Rody at kasama na siya ng mga kababayan niya rito muli sa Davao City.

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with