^

PSN Opinyon

Sagad sa pangako, kapos sa nagawa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA pagwakas ng isang administrasyon sinusukat ang nagawa nito batay sa ipinangako. Sagad si Rody Duterte sa huli, pero kapos sa una.          

Nu’ng 2016 sabi niya buburahin niya ang salot na droga sa tatlong buwan, tapos anim na buwan, tapos umamin na hindi pala kaya. Mahigit 7,000 pushers ang napatay sa tatlong taon. Ang 3 milyong adik noon ay sumisinghot ng tig-isang guhit na shabu -- 3 tonelada -- kada linggo, anang PNP. Pero ang nasabat sa raids at buy-busts sa tatlong taon ay 4.5 tonelada lang, katumbas lang ng isa’t kalahating linggong konsumo.

Pederalismo raw ang solusyon sa sentralisadong gob­yerno at kahirapan sa malalayong pook. Pinaspasan ng constitutional commission ni Duterte ang mga amyenda. Isina-isang tabi lang niya ito.

Sumipsip si Duterte sa Beijing para makautang ng $24 bilyong pang-infrastructures. Pinayagan pang ang Chinese sa exclusive economic zone ng Pili­pinas. Wala pang 1% ang pinautang ng Beijing. Pero naagaw nito ang Sandy Cay sa gilid ng Pag-asa Isle.

Imbis na matigil ay lumala ang katiwalian. Kitang-kita ito sa P12 bilyong mamahaling face masks, shields, protective equipment at test kits na binili sa bagitong kompanya­ ng Chinese economic adviser ni Duterte. Nakopo ni Michael­ Yang ang kontrata maski P625,000 lang ang kapital.

Mahigit dumoble sa P12 trilyon ang utang ng bansa. Para raw ‘yon sa pandemya. Pero ang bagal ng bakunahan. Kapos sa test kits. Walang contact tracing. Walang bagong ospital na naitayo ang gobyerno. Sinuba pa ng PhilHealth ang bilyun-bilyong reimbursements sa private hospitals. Pati special risk allowances ng frontline health workers hindi naibigay.

Matagalang lockdowns ang naging solusyon ng admi­nistrasyon sa coronavirus. Kumolapso ang ekonomiya. Halos 27 milyon ang nawalan ng hanapbuhay at isang milyon ang nagsarang negosyo. Dalawang taong naudlot ang pag-aaral ng kabataan. Kapos ang pinang-ayuda at disaster relief. Lumala ang gutom at karalitaan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with