^

PSN Opinyon

Anyare, Pilipinas?: Paano mag-‘move on’ mula sa halalan (Part 1)

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Anyare, Pilipinas?: Paano mag-âmove onâ mula sa halalan (Part 1)
Supporters of Philippines' presidential runner-up and Vice President Leni Robredo flash the "Laban Leni" (fight) sign during a thanksgiving rally inside a university campus in Manila on May 13, 2022.
AFP/Ted Aljibe

Habang hinihintay natin ang opisyal na proklamasyon ng ika-17 presidente at bise-presidente ng bansa, patuloy pa ring emosyonal ang iba’t ibang mga partido, lalo na ang supporters nina presumptive President Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.

Nauna nang nag-FB live sa kanyang opisyal na Facebook account si Robredo upang pasalamatan ang lahat ng kanyang mga tagasuporta, at sinabing hindi masusukat ang pagmamahal na ipinakita nila sa kanya.

“Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay … Gayumpaman, sinasabi ko sa inyo, alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito,” sabi ni Robredo.

Ang kanyang anak na si Tricia Robredo ay nag-post ng isang black n' white na larawan kung saan kasama niya ang kanyang mga kapatid at ina.  Bahagi ng caption ay nagsasabing, “Kaya anuman ang maging resulta at anuman ang mangyari, taas noo. Hindi dapat ikahiya ang isang pusong pagod at sugatan. Ipamalas ang pinagdaanan at ipagmalaki ang lahat ng nasaksihan. Walang sayang. Kapit. Nagsisimula pa lang.”

“Kaya anuman ang maging resulta at anuman ang mangyari, taas noo. Hindi dapat ikahiya ang isang pusong pagod at sugatan. Ipamalas ang pinagdaanan at ipagmalaki ang lahat ng nasaksihan. Walang sayang. Kapit. Nagsisimula pa lang.”
Photo from Tricia Robredo’s Instagram account

Tulad ni Robredo, nagpasalamat din si Bongbong Marcos sa kanyang mga tagasuporta at nanawagan ng pagkakaisa sa bansa.

“Bukod pa doon ay magpapasalamat ako sa mga kababayan ko na nandiyan sila at nagsuporta sila hindi lamang sa mga kandidato, hindi lamang sa aming partido kung hindi sa magandang bukas ng ating minamahal na Pilipinas,” pahayg ni Marcos, Jr.

Pero sa dami ng mga masigasig na BBM supporter at mga Kakampink naman ng Leni-Kiko campaign, may pag-asa kayang magkaisa ang dalawang grupong ito para sa ikabubuti ng Pilipinas?

Puwede pero mahihirapan.  Ito ang opinion ng political analyst at Associate Professor sa Department of Political Science, College of Social Sciences and Philosophy sa University of the Philippines Diliman na si Prof. Jean Encinas Franco sa aming espesyal na Pamilya Talk Election series .

“Para sa akin, mas mahihirapan yung kampo ni Marcos, Jr.  He has a lot of baggage… for his unity campaign to appeal to the people who did not vote for him he has to admit the sins of his family to the entire country otherwise yung unity campaign niya will just be an empty message.  Pero gagawin niya ba? Paano niya aaminin ang mga kasalanang ito ngayong siya na ang nakatakdang umupo?” tanong ni Franco.

Sabi pa ni Franco, sadyang ang mga halalan ay humahantong sa pagkakawatak-watak dahil ang mga tao ay may iba't ibang partidong ikinakampanya.   Kaya mahalagang agad itong agapan ng bagong administrasyon bago pa man ito lumala.  Payo ni Franco, manatiling kalmado at isaalang-alang ang mga damdamin ng bawat isa.

“Masaya yung isa, nalulungkot yung kabila. We only have one country, and we both want our country to progress, iba’t ibang paraan lang yung alam natin. Sa magkaibang leader lang tayo tumingin para humingi ng direction to move this country forward. But then, there are a lot of things that can be done without relying on the government. You can work for this country even if you don't like its government by paying the right taxes, obeying the laws.  Medyo matagal ang six years pero patuloy lang na maging good citizens even beyond the elections,” sabi ni Franco.

Ipinaliwanag din ni Franco kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit sinusuportahan ng magkabilang panig ang kanilang mga napiling kandidato.

“They (Kakampinks) have been frustrated by the current administration. Hindi nila gusto ang mga polisiya at response sa pandemic, so they found inspiration in the Leni-Kiko campaign,” pagpapaliwanag ni Franco.

Kung ang Kakampinks ay pursigido sa kanilang suporta sa Leni-Kiko tandem, ganoon din naman ang mga nasa kampo nina BBM-Sara.   Ayon kay Franco, posibleng ang uri ng gobyernong iminumungkahi ng tandem ay paternalistic, at ito ang posibleng mas gusto ng mga Pilipino.

“Andito ang gobyerno, ibibigay sa iyo ang lahat. Bibigyan ka ng ayuda, ng trabaho na hindi masyadong nagpaparticipate yung mga tao, whereas yung Leni camp gusto nila talaga maging bahagi ng solusyon ang mga Pilipino. And I don't think Filipinos are ready for that,” ayon kay Franco.

Panoorin ang aming panayam kay political analyst as University of the Philippines Prof. Jean Encinas Franco sa aming espesyal na Pamilya Talk Halalan 2022 episode.


Pagkakaisa at paghilom

Ngayong wala nang mga rally sa lansangan, at wala nang campaign jingle at commercials na maririnig at makikita, magsisimula na ang tunay na trabaho.   Sabi nga sa pahayag ni Ateneo de Manila University President Fr. Bobby Yap, “This is not the time to give up on our country. Our country deserves better – and love should be what drives us in our mission to bridge the disconnects and make our nation finally whole.”

Matagal bago maghilom ang mga sugat, ngunit kailangan nating subukan para sa kapakanan ng ating bansa. Kahit na mahirap, ang pagtatalo, lalo na online, at ang disinformation ay dapat nang matigil upang bigyang-daan ang ikabubuti ng Pilipinas.  Ipagpatuloy natin ang pagtulong sa isa't isa, kahit na sa mga taong hindi mo ka-grupo. BBM-Sara supporter man o hindi, kailangang hamunin ang gobyernong Marcos-Duterte na ayusin, ipaglaban at isulong ang ating bansa.

Matapos magpahid ng luha ng mga natalong partido, at matapos magdiwang naman ng mga nanalo, magkaisa na tayo sa ilalim ng mga kulay ng ating bandila – pula, asul, at dilaw.  Umaasa ako at nananalangin na ang mga bagong pinuno ng bansa ay tutupad sa kanilang ipinangakong pagkakaisa at pag-asenso ng ating bayan.

***

Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube, at Kumu (@JingCastaneda – 12:00-1:00pm Lunes at Miyerkules).  Maaari niyo ring i-follow ang aking mga social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter, at Kumu. Mangyaring ibahagi ang iyong mga kuwento o magmungkahi ng mga paksa sa [email protected]

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with