^

PSN Opinyon

Halalan 2022: Mga debate, forum at huling hirit

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Halalan 2022: Mga debate, forum at huling hirit
Mga nangungunang kandidato sa pagka-presidente: Vice-President Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos.
Marcos, Robredo campaigns

Bawat presidential elections, may sariling pokus, konteksto at prayoridad na mga isyung tinututukan. Habang nagbabago ang estado, nagbabago rin ang mga prayoridad ng mga tao. Tulad na lang noong 1986, prayoridad ang kalayaan mula sa diktadurya. Noong 1992, pokus naman ang statesmanship. Habang sa taong 1998, malaking bagay ang relatability.  2004 at 2010, nagkaroon ng malinaw na rason para kalabanin ang korupsyon na umiiral.

Sa taong 2016, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Nabaling ang atensyon sa komunikasyon, partikular sa social media.  Mula noon, ginamit na ang social media bilang armas ng troll farms. 

Sa ngayon, COVID-19 pandemic at presidential debates at forums ang nasa sentro. Para makatulong sa mga botante na pag-aralan ang mga plataporma ng mga kandidato sa pagka-Presidente, narito ang ilang excerpts mula sa mga debate, tulad ng  highlights ng kanilang COVID-19 response platform sa aming Pamilya Talk election special. Kung tutuusin, malaki ang papel ng pandemya para mas masuri ng mga botante ang galing ng mga kandidato sa crisis management at sa mabilis na pag-aksyon sa pamamahagi ng basic services. 

Political dynasties

Sa usaping dynasty, binigyang-diin ni Senator Ping Lacson na dapat magkaroon ng mga batas o enabling law laban sa political dynasties. Bagama’t ipinagbabawal ito ng Konstitusyon, nagkakaroon pa rin ng political dynasties dahil sa local government units at partylist system kung saan nakakatakbo ang mga kamag-anak ng mga nakaupong pulitiko.  


 
Naniniwala naman si Robredo na personality-based ang political dynasties sa bansa at pinahihina nito ang bicameral political ecosystem na tulad ng sistema natin. Gayunpaman, dapat ding banggitin na highly politicized ang salitang “dynasty.”  May mga naniniwala na hindi masama ang dynasty kung ito ay progresibo, kung patuloy na inuuna ng nakaupong pamilya ang public service sa halip na pansarili nilang interes at kung humahantong ito sa pag-unlad ng lugar, pagpapatibay ng mga batas, at pagganda ng buhay ng mga tao.  Pero may mga naniniwala ring anumang porma ng dynasty ay makasasama sa bansa dahil nalilimitahan nito ang choices ng mga tao kung sino ang mamumuno sa kanila, at nawawala rin ang tuly-tuloy at magandang sistema ng paghubog ng mga lider, kasama na rito ang mga kabataan  (Panoorin ninyo ang aming Pamilya Talk interview kina University of the Philippines Prof. Aries Arugay at Dr. Jose Victor Torres ng De La Salle University, Department of History para sa mas malalim na talakayan tungkol sa political dynasties). 

Sa pagiging lider

Dahil sa YouTube at Facebook, napakadali nang manood ng debate at forums na matutulong sa ating makapagdesisyon kung sino ang karapat-dapat iboto.  Sa ganitong mga diskusyon nakikita ang mga prinsipyong tinatayuan ng mga kandidato at kung anong klaseng lider siya.  Ang maipakita na ikaw ay ‘presidential’ na kayang makipag-tagisan sa iba pang lider at karapat-dapat na maupo sa pinakamataas na puwesto sa bansa ay higit pa sa isang PR campaign.  Dito kasi nahuhubaran ang mga kandidato at nailalantad ang laman ng kanyang puso at isipan – ang halagang ibinibigay niya sa kapwa niya Pilipino, ang kanyang professionalism, humility, at paano niya binibigyang importansya ang mga kapwa niya lider. 

Ito ang dahilan kung bakit pinutakti ng mga komento ang di pagdalo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halos lahat ng mga debate at forums. Pinalampas niya kasi ang oportunidad na magamit ang mga ito para ipaliwanag ang kanyang plataporma at hikayatin ang mga botante na bumoto sa kanya. Kahit ipinagtatanggol siya ng kanyang mismong supporters sa pagsasabing, “It’s just a debate,” o “It’s not that important,” responsibilidad pa rin niyang ipaalam sa publiko ang mga plano niya para sa bansa sakaling siya ay mahalal.

Kaya posibleng marami ang umayaw sa kanya dahil kulang sa impormasyon para siya ay piliin.  Ayon nga sa isa pang presidentiable na si Ernesto Abella, mapanuri na ang mga botanteng Pilipino. Hindi na sila nadadala sa paghalik ng mga bata at magandang mga tarpulin. Hangad ng  Pilipinong botante ngayon ang resibo na nagpapatunay ng aksyon ng mga kandidato para sa ikabubuti ng komunidad.  

Ang Pamilyang Pilipino

Napakamakasaysayan ang magiging halalan ngayong taon.  Hindi pa tapos ang pandemya at napakalaki ng hamon na kinahaharap ng susunod na lider ng bansa.  Nakasalalay sa ating mga ihahalal kung gaano kagaan o kabigat ang naghihintay na kinabukasan para sa ating mga anak.  Kaya sa May 9, dapat nating piliin ang kandidatong sa bawat desisyon ay pinipili rin ang ikabubuti at pagpapatibay ng pamilyang Pilipino.
 

-----

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 4:00 - 5:00 p.m. Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]

vuukle comment

2022 ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with