^

PSN Opinyon

Makati maghahatid ng home care kits; P10,000 incentive ire-release ngayon!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Pami-pamilya po ang nagkakasakit sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya. Bukod sa pagpapalakas ng ating resistensya at ibayong pag-iingat, minarapat namin sa Makati na bigyan ng kaunting ginhawa ang mga Makatizen na nagkaroon ng COVID-19.

Para sa may mga mild symptoms, at maski para sa walang nararamdaman pero nagpositibo sa coronavirus, nag­handa ang Makati ng mga home care kits para patuloy na ma-monitor ang kanilang kondisyon at mabantayan pa rin ng ating mga healthcare professionals via teleconsultation.

As of January 18 ay may 12,989 home care packages na ang aming naihatid.

Ang bawat kit ay may lamang 20 tablets ng Biogesic, 30 capsules ng Ascorbic Acid, Bactidol, Kamillo San, Beta­dine throat spray, Green Cross 500ml Alcohol, Kool Fever, 1 box ng face mask, pulse oximeter, at infrared thermometer.

Nagsimula kaming magpamigay ng home care kits noong Agosto para masigurong nabibigyan ng medical attention maging ang mga mildly symptomatic o asymptomatic patients. Ang kanilang mabilis na paggaling at maagap na isolation ay pipigil sa patuloy na pagkakahawa ng iba pang tao sa kanilang komunidad o lugar ng trabaho.

Ang mga naka-home quarantine naman ay hinahatiran din ng food packs ng ating Makati Action Center. Naka monitor din ang Makati CESU sa mga kailangang i-swab sa bawat komunidad para makumpirma kung ang isang indibiduwal ay positibo sa COVID-19.

Kung may nararamdaman, o may exposure sa indibi­duwal na nagpositibo, tumawag sa CESU hotlines sa 0917-8446997, 09178121229, 09178446904, 8870-1442, 8870-1444, 8870-1447 at 8870-1449.

* * *

Nakatakdang i-release ngayong araw ang P10,000 insentibo sa mga empleyadong regular, casual, at contrac­tual ng city hall bilang kanilang service recognition incentive (SRI).

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang aking hiling na magpasa ng appropriation ordinance na pinapayagang irelease ang SRI para sa fiscal year 2021, alinsunod sa Administrative Order No. 45 ni Pangulong Duterte na inilabas noong Disyembre.

Karapat-dapat na tumanggap ng karagdagang insentibo ang mga kawani ng lungsod dahil sa kanilang di-matawarang dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo sa Proud Makatizens sa gitna ng pandemya.

Batay sa isinagawang assessment ng DILG, ang Makati ang tanging pamahalaang lokal na pumasa sa eligibility criteria, kabilang ang pagiging consistent passer ng Good Financial Housekeeping (GFH) simula FY 2014 hanggang sa pinakahuling assessment period nitong November 5, 2021. Kasama rin sa criteria ang Updated Citizen’s Charter, Sustained Compliance with Audit Findings, at Performance Rating System Consistent with SPMS.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with