^

PSN Opinyon

Mga maaring kahinatnan ng salita, asal ng lider

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAKSA ko kahapon ang epekto ng masamang salita, gawi at imahe. Maari ito maging “normal”, pamarisan, o ikaman­hid. Nakakatakot ang kahihinatnan. Lalo na kung lider ang pasimuno ng ehemplo.

Mahilig magmura at magbanta si President Rody Du­terte. Namumutiktik ang mga talumpati niya sa “p***ng ina”, “gago”, at “patayin ko kayo”. Ineere ito sa radyo-TV. Linalathala sa peryodiko, at pinapaskel sa social media. Na­ngangamba ang mga magulang, guro at pastor. Maari kasing isipin ng musmos na walang masama ro’n. Tapos, gaga­yahin siya. Lalaki silang walang-galang sa kapwa.

Mahilig magyabang si Duterte ng laki ng ari niya at galing sa sex. Sa midterm election campaign rally sa Puerto Princesa Coliseum, Palawan, nu’ng Abril 8, 2019, naeskandalo ang madla. Animo’y nasa boys’ locker room, ikinuwento ng Presidente ang tigas ng kanyang t*t*, na “humahalik sa pusod ko”, iminuwestra pa niya gamit ang mikropono. Dinetalye ang pakikipagtalik sa mga bayarang babae na umaatras na dahil umano ayaw niyang tumigil. Lumalabas na maari ang kawalan-modo sa pub­liko; hindi kailangan rendahan ang sarili.

Mahilig si Duterte sa rape jokes. Sinabi niya dapat nauna siya bilang mayor na mag-gang rape sa magandang Australian missionary na pinatay ng mga nag-riot na preso. Ibinida ang pagmolestiya niya nu’ng teenager siya sa kasambahay nila. Aniya sa mga sundalo, sagot niya ang kaso kung mang-rape sila hanggang tatlong beses. Tungkol sa malimit na rape incidents sa Davao City, dahil ‘yon sa “rami ng magagandang babae.” Sa birthday video niya nu’ng Marso, tinangka niyang hipuan ang katulong. Anang spokesman niya, walang malisya ‘yun dahil matagal na ang babae nagtatrabaho sa bahay ni Duterte at sanay sa kapilyuhan niya.

Nangangamba ang mga samahang kababaihan. Maaring dumalas ang panghahalay sa mga Filipina domestic helpers sa abroad. Nakakalimutan na krimen ang paggahasa.

vuukle comment

RODRIGO DU­TERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with