_ngayon
^

PSN Opinyon

Konsehal Gogo, tapang mo sa radyo pero tinaguan mo ‘ko!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hamak na isang boy ang tinitira at binabanatan ng konsehal ng Damulog, Bukidnon na si Samuel Gogo sa kanyang radio station. Maging ang kanyang mga chuwa­ri­wariwap na radio anchors, pinagtutulungang durugin ang pobreng si Renato na dati niyang empleyado.

Hindi na kinaya ni Renato ang panduduro ni Gogo at mga kampon nito sa radyo kaya sa BITAG na humingi ng saklolo. Labis na raw na naaapektuhan ang pamilya’t mga anak niya sa pambababoy sa kanyang pagkatao.

Ani Renato, nagalit sa kanya si Gogo nang papasukin niya ang kawani ng National Telecommunications (NTC) sa bahay nito para mag-inspeksiyon. Wala kasing permit ang radio station ni Gogo na GO FM. Nabisto ang isa sa mga sikreto niya.

Sa sobrang galit ni Gogo, sinibak niya sa trabaho si Renato. Umaga, tanghali at hapunan, si Renato ang naging­ paksa sa radyo ni Gogo at anchors nito. Dahil lang nabuko na wala palang business permit mula sa muni­sipyo at permit to operate mula sa NTC ang radio station ni Gogo, binalikan ang kanyang empleyado.

Nakatikim umano si Renato ng mga salitang hindi­ kayang tanggapin ng kanyang pagkatao. Para sa isang maliit na tao, duduruin at dudurugin ng isang konsehal ng bayan, malinaw na pang-aabuso ito.

Kinumpirma ng dating station manager ng radyo ang sumbong na ito. Binibigyan na raw ng script ang radio anchors na puro pambabanat kay Renato.

Here’s the catch kung bakit sunud-sunuran ang mga kolokoy na radio anchors kay Gogo. Kapag nanalo raw si Gago este Gogo sa pagka-mayor, bibigyan niya ng posis­yon sa munisipyo ang mga kenkoy na radio anchors.

Matindi! May pangarap palang maging ama ng bayan pero ang pobre niyang boy, inaabuso!

Pati ang kasalukuyang mayor, naalarma sa laman ng mga paksa ng radyo mo na puro panggigiba at paninira. Binigyan ka na ng warning na itigil ang inyong ginagawa pero tuloy pa rin kayo.

Talagang kagaguhan ang laman ng kukote mo Gogo. Mukhang mali yata na tumanggap ka ng sahod mula sa pera ng taumbayan?!

Narinig ko ang recorded broadcast ng pagtira mo sa iyong boy. Napakatapang, nakakatakot, pero nang tinawagan kita, nabahag ang buntot mo at misis mo? Binabaan n’yo na ako ng linya at pinatayan ng telepono.

Ako ang subukan mo, Gogo. Tingnan ko kung umubra ang kagaguhan mo sa maliliit na tao.

Hindi pa ako tapos sa’yo, nasa bakasyon lang ako ngayon. Hindi titigil ang BITAG na maipasara ang radio station mo na walang lisensiya at paninira ng kapwa ang laman.

Hinggil sa pagtakbo mo bilang mayor, mga residente ang huhusga sa’yo.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with