^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unawain ang kalagayan ng healthcare workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unawain ang kalagayan ng healthcare workers

PAGOD na ang healthcare workers. Mahigit isang taon na ang pandemya at ganyan din sila katagal naghihintay ng mga ipinangakong benepisyo pero nananatiling bingi ang Department of Health (DOH). Masisisi ba sila kung magpakita na ng ngipin dahil sa galit?

Sa Miyerkules (Setyembre 1) itutuloy na ang kani­lang protesta. Hindi lamang ang mga nasa pribadong hos­pital ang magsasagawa ng protesta kundi maging­ ang mga nasa pampublikong hospital man. Naniniwala sila na kung hindi magpuprotesta, patuloy silang babalewalain. Hindi didinggin ang kanilang karaingan­ na ipagkaloob ang kanilang mga benepisyo, hazard pays at special risk allowance (SRA). Wala na umanong makapipigil sa kanilang pagpuprotesta.

Umaapela naman si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag ituloy ang protest actions sapagkat magkakaroon ito nang impact sa operasyon ng mga ospital.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni President Duterte sa Department of Health at Department of Budget and Management na ibigay na sa healthcare workers ang mga hinihinging benepisyo at allowances. Binigyan ng 10 araw ang DOH at DBM para tuparin ang kautusan. Gumawa raw ng paraan ang dalawang tanggapan para maibigay ang mga hinihingi.

Pero sabi ng mga grupo ng HCWs, hindi pa rin daw naibibigay ang kanilang mga hinihingi. Ayon naman­ sa DOH, kailangan munang mai-ammend ang guide­lines para maibigay ang mga benepisyo at allo­wances. Hindi naman ito maunawaan ng HCWs sapagkat noong nakaraang taon pa nila hinihintay ang kabayarang ito. Nasa P11 bilyon umano ang hindi nababayarang benepisyo at SRA ng HCWs. Sa 1.8 mil­yong HCWs, maliit na porsiyento pa lamang ang nababayaran.

Noong Biyernes, nagsagawa ng protesta ang HCWs sa Tondo General Hospital. Marami sa kanila ang gigil na gigil na sapagkat hindi pa nila natatanggap ang mga pinangakong benepisyo.

Noong Miyerkules, nagprotesta ang HCWs sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Hinihiling nila na i-release na ang kanilang hazard pay, special risk allowances at ang allowances para sa pagkain at transpo.

Noong Huwebes, nagprotesta rin ang HCWs sa Philippine General Hospital dahil sa hindi natatanggap na mga benepisyo.

Masisisi ba ang healthcare workers kung magprotesta? Dapat unawain ang kanilang kalagayan. Pagod na pagod na sila. Huwag silang pahirapan.

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with