_ngayon
^

PSN Opinyon

Pilipinas legal, China illegal sa usapin ng karagatan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Batas pandaigdig ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea. Binigyan nito ang mga bansang karatig dagat ng exclusive economic zone hanggang 200 milya mula pampang. Sa EEZ niya, ang bansang ‘yon lang ang maaring mangisda at magmina ng langis, gas at ibang yaman. May EEZ ang Pilipinas. Meron din ang China. Pero inaangkin ng China ang EEZ natin 800 mula sa pampang niya. Ilegal ang China.

Atas ng Konstitusyon na ipagtanggol ng gobyerno natin ang likas na yaman sa lupa at dagat. Ito’y para mapakinabangan ng mga Pilipino.

Ibinasura ng international arbitral court nu’ng 2016 ang “nine-dash line” ng China. Ilegal daw ang pag-agaw at pagkongkreto ng mga bahura natin, pagwasak sa kalikasan, at pagpalayas sa mga Pilipino sa sariling EEZ. Niyurakan daw ang mga karapatan ng Pilipinas sa UNCLOS.

Nakinabang sa pasya pati Brunei, Indonesia, Malaysia at Vietnam, na inagawan din ng mga EEZ at 17 bahura. Sinuway ng China ang korte.

Sa United Nations Charter legal ang pagpatrolya ng Pilipinas sa teritoryong dagat at EEZ. Legal depensahan ng isang bansa ang likas na yaman. At lalong legal dumulog sa korte para lutasin ang mga gusot.

May bagong batas ang China na gumamit ng dahas ang coast guard niya para igiit ang inaangking EEZ ng iba. Labag sa UN Charter ang karahasan; dapat marahang usapan lang.

Inaatasan din ang China coast guard, suportado ng People’s Liberation Army-Navy, na paputukan o sampahin ang mga barko sa inaangkin niyang EEZ ng iba. Labag ‘yon sa UNCLOS.

UN Security Council lang ang maaring magpahintulot ng dahas laban sa anomang bansa. Alam ‘yon ng China; miyembro siya ng Security Council. Walang pahintulot ang Security Council sa dahas niya.

Komo malaki at malakas ang China, binubusabos ang iba. Bully!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SEA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with