^

PSN Opinyon

Pilipinas lalong manganganibn kapag Taiwan nalupig ng China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Para sa China, taksil na probinsiya ang Taiwan. Minaliit ng China ang pagtatag nu’ng 1895 ng Republic of Formosa. Ibinalato ang isla sa Japan nang matalo ang China sa digmaan. Binawi ang Taiwan nu’ng 1945 nang matalo ang Japan sa World War II. Nang nagwagi ang China Communist Party ni Mao Zedong sa civil war nu’ng 1949 tuma­lilis ang Kuomintang ni Chiang Kai-shek doon. Muling lumaya ang demokratikong Taiwan.

Pangarap ni China president Xi Jinping matumbasan ang tanyag ni Mao. Pinabago niya ang Konstitusyon, inihelera sa Mao Zedong Thought ang “Xi Jinping Thought”, at ipi­naluklok ang sarili habambuhay. At inaasam niya na “ibalik ang rebeldeng probinsiya.” Ito umano ang dapat na pagwa­wakas ng civil war. Nakikini-kinita ni Xi ang sarili na sakay ng limousine habang binabaybay ang capital na Taipei.

Hangad ng CCP na maganap agad ‘yon. Deadline nila simula Oct. 1, 2019, ika-75 anibersaryo ng pagtatag ng People’s Republic of China, at July 23, ika-100 anibersaryo ng pagtatag ng CCP. Sa isang buwan na ito.

America lang ang hadlang sa paglusob ng China sa Taiwan­. Inaarmasan at pinapatrolya niya ng aircraft carriers ang isla.

Kapag nalupig ng China ang Taiwan lalong manga­nganib ang Pilipinas. Dineklara na ng PLA na gigiyerahin nila tayo. Ito’y dahil merong Phl-US Mutual Defense Treaty. Ayon sa MDT magtutulungan ang Manila at Washington kung aatakihin sa Pacific Ocean at karugtong na South China Sea. Ang Bashi Channel sa Batanes ang dugtungan nu’n.

Gagamitin niya ang ating Panatag Shoal sa Zambales at Panganiban Reef sa Palawan bilang base militar. Tatakutin o susuhulan ang gobyerno natin para payagang gamitin ang mga isla natin, halimbawa Batanes, at puerto, tulad ng Subic at Poro Point sa kanlurang Luzon.

Kapag napasakamay ng CCP ang Taiwan, gagamitin ang isla para lalong agawin ang West Philippine Sea. Pati Benham Rise natin sa silangan ay aangkinin bilang pangisdaan ng China.

vuukle comment

CCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with