^

PSN Opinyon

China binalaan na ng Amerika

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALINAW na nagkamali si dating senador Juan Ponce Enrile na malabong asahan ang United States na tutulong sa atin kung sumiklab ang madugong sagupaan ng Pilipinas at China kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea. 

“Don’t count on the United States to give arms support to the Philippines, even in its current maritime dispute with China,” ani Enrile sa kanyang pakikipag-usap kay Presidente Duterte kamakailan.

Nirerespeto ko ang pahayag ng isang taong dinalub­hasa ng matagal na karanasan. Pero sa puntong ito, ma­laki ang pagkakamali ng kanyang teorya. Bakit? Kasi, bina­laan na ng United States ang China sa ginagawa nitong pagpapakita ng pangil sa pamamagitan ng pagsaklaw­ sa bahagi ng karagatang mayroon tayong exclusive eco­nomic rights.

Tama si Enrile na dapat daanin sa diplomasya ang pagresolba sa usaping ito, hangga’t maaari. Pero hindi puwedeng isaisantabi lagi ang solusyong militar kung tala­gang hindi maawat ang China sa ginagawang intrusion nito sa mga lugar na may karapatan tayo.

Pero hindi lang diplomasya ang ipinaiiral ng administrasyon kundi pagsusuko ng ating karapatan at pagkampi sa China, lalo na nang sabihin mismo ng Presidente na ang buong pinagtatalunang karapatan ay pag-aari na ng China.

Binalaan ng US ang China sa mga agresibong hakbang tulad ng pagdedeploy ng mga sasakyang pandagat at panduduro sa mga Pilipino at ibang dayuhan mangi­ngisda. Tinukoy ni State Department Spokesman Ned Price ang Military Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika na nagsasabing magtutulungan ang dalawang bansa sa panahon ng digmaan.

Huwag nating kalimutan na tutulong ang Amerika hindi lamang dahil sa tratado kundi dahil may interest ito sa pagpapanatili ng balance of power sa rehiyon na maaaring kumiling sa China kapag di naagapan.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with