_ngayon
^

Jueteng ni Yap sa Cavite, bakbakan mo, Gen. Cruz!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

KAPIT-TUKO rin pala sa puwesto si Cavite provincial director Col. Marlon Santos. Medyo umabot na sa one year at seven months sa puwesto si Santos kaya umugong sa Camp Crame na papalitan na siya. Ang nangangarap sa puwesto ni Santos ay si Col. Randy Glenn Silvio, na ang huling assignment ay bilang hepe ng National Capital­ Region (NCR) CIDG, noong panahon ni retired PNP chief Gen. Debold Sinas.

Si Silvio na miyembro ng PNP Academy Class ‘97, ay sagradong bata ni Sinas kaya bago umalis ang huli ay nais nitong ipuwesto sa Cavite. Kaya lang, si Santos, ng PNPA Class ‘98, ay ayaw umalis sa puwesto at ang siste ay nag-“call a friend”, ayon sa mga kosa ko. Ano ba ‘yan? Dipugaaaaa!

Kung sabagay, maganda naman ang record ni Santos­ sa Cavite, lalo na pagdating sa kampanya laban sa krimi­na­lidad. Ang hindi lang maganda kay Santos ay naging­ bulag, pipi at bingi siya sa jueteng ni John Yap, na umaandar kahit tumataas ang kaso ng COVID sa Cavite.

Sa listahan ng Department of Health (DOH), pangatlo ang Cavite sa pinakamaraming kaso ng COVID kaya na­sama ang probinsiya sa tinatawag na NCR Plus. Nauna lang sa probinsiya ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang Quezon City at Manila. Malaki ang posibilidad na ang jueteng ni Yap ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis kumalat ang virus sa Cavite dahil face-to-face kung kumalap ng taya ang mga kubrador ng una subalit dedma lang sina Remulla at Santos. Magkano....este paano? Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, kinunsinti rin ni dating Calabarzon police­ director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad si Santos dahil na rin siguro sa grasya ni Yap. Kaya lang, pinalitan na ng kaklase n’ya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘90 si Natividad sa katauhan ni Brig. Gen. Ely Cruz nitong Lunes. Bagyo rin kaya itong sina Santos at Yap kay Cruz? Dipugaaaaa!

Maging si PCSO Gen. Man. Royina Garma ay hayagang ibinando na walang silang pakialam sa palaro ni Yap kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na jueteng ito.  Hehehe! Bakbakan mo na ang jueteng ni Yap, Gen. Cruz Sir! Dipugaaaa! Abangan!

DEBOLD SINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with