_ngayon
^

J&T Express Quezon City, ginalit si Mayor Belmonte!

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko kung paano mabuwisit at magalit ang mayor ng Quezon City.

Nitong nakaraang linggo, ipinatawag ni Mayor Joy Belmonte ang pamunuan ng J&T Express Quezon City Branch para harapin at sagutin ang reklamo laban sa kanila.

Subalit sadya yata ang kabastusan ng kompanyang ito dahil mga kupalin at uhuging staff lamang ang pinaharap kay Mayor at mga empleyadong nagrereklamo.

Ikinapanting ng taynga at ikinainit ng ulo ni Mayor ang palagiang sagot ng mga representante na “ipararating po namin sa itaas.”

Hindi umubra ang estilong “delaying tactics” n’yo J&T.

Entonces, kinagalitan tuloy nang husto ang mga ipinalapa n’yong mga representante.

Seryoso ang Quezon City Hall na solusyunan ang re­k­lamo ng 65 riders ng J&T Express Quezon City Branch.

Nandoon ang mismong mayor ng lungsod, ang Department of Labor and Employment (DOLE) officer, and Business Permit and Licensing Office at maging City Legal Department.

Pero kayo J&T Express, binastardo n’yo ang pagka­kataong ibinigay sa inyo ng awtoridad para ayusin ang reklamong ito.

Sangkaterba kayong mga kolokoy!

Malinaw ang ultimatum  ni Mayor Belmonte sa inyo J&T Express, ayusin ang reklamo ng inyong mga emple­yado kung hindi ay tatanggalan kayo ng lisensiyang ma­kapagnegosyo sa Quezon City.

Ang lahat ng nagrereklamo ay nakatanggap ng food packs mula sa Quezon City Hall.

Kalahati sa mga nagrereklamo ay nagdesisyong hindi na bumalik sa J&T Express. Tutulungan sila ng Quezon City Hall na makahanap ng bagong trabaho.

Habang ang kalahati naman ay handang bumalik sa trabaho kaya aalalayan sila ng City Legal Department at DOLE ng Quezon City.

Sa inyo J&T Express, hindi na kayo nadala sa ginawa ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, sinundan n’yo pa ngayon ng galit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte… anong branch ang susunod?

Nakahanda na ang mga lokal na pamahalaan at tanggapan ng mga mayor sa Metro Manila o kahit saang probinsiya pa.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with