^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Banta sa food security

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Banta sa food security

Banta sa food security ang “pagnanakaw” ng mga isda sa karagatan ng bansa. Mahaharap sa pagka­gutom ang mga Pilipino kung walang gagawing­ hakbang ang pamahalaan. Ngayon pa lang, mag-isip na ng mga hakbang para matigil ang ginagawang pangingisda ng China. Hindi dapat manahimik sa isyung ito na ang sangkot ay ang pinagku­kunan ng pagkain ng mga Pinoy.

Sa report ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), tinatayang 240,000 kilos ng isda ang ilegal na nahuhuli bawat araw sa karagatang ari ng Pilipinas. Sandamakmak na Chinese fishing vessels ang nasa WPS, partikular sa Kalayaan area at ang mga ito ang “sumasalok” ng isda na dapat ay ang mga mangingisdang Pinoy ang nakikinabang. Sa laki ng Chinese fishing vessels, walang anuman kung lambatin ang mga isda. Pati mga maliliiit na isda ay kasamang nalalambat kaya wala nang susunod pang huhulihin.

Noong nakaraang linggo sinabi ng mga mangi­ngisda mula sa San Antonio, Zambales na mayroong 20 Chinese vessels na naka-angkla malapit sa kanilang bayan. Dahil sa presensiya ng mga Chinese vessels, nabubulabog ang mga isda sa lugar dahilan para wala silang mahuli. Umuuwi silang luhaan. Dati, marami silang nahuhuli. Hindi raw nila alam ang ginagawa ng mga Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Banta sa food security ang ginagawang ilegal na pangingisda ng mga Chinese sa WPS. Kinukuha nila ang dapat ay pagkain ng Pinoys at maaaring ang mga isdang nahuhuli nila sa WPS ay ini-export pa sa Pilipinas. Binibili ng Pinas ang isdang hinuli sa kanyang karagatan.

Sabi ni President Duterte kamakailan, hindi raw siya interesado sa pangingisda at hindi raw siya papayag na ito lamang ang maging dahilan para masira ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China. Kapag naghukay daw ng langis ang China sa WPS saka lamang siya kikilos.

Naghahatid ng pangamba na dahil sa hindi pag­­pansin sa ginagawang ilegal na pangingisda ng China, maraming Pinoy ang makakaranas ng gutom­ sa hinaharap. Baka lalo pang dumami ang pipila sa community pantries.

vuukle comment

EEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with