^

Mabuti at natuloy ang Balikatan

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

BATAY sa ulat ng National Task Force for the West Philip­pine Sea (NTF-WPS), nasa 240 barko ng China ang nasa loob pa ng ating exclusive economic zone (EEZ). Hindi naniniwala ang NTF-WPS na ito’y mga karaniwang barkong pangisda kundi mga Chinese maritime militia na nagpapanggap lamang na mga mangingisda.

 Siguro may iilang barkong pangisda riyan na patuloy na inuubos ang mga isda at humahango ng mga ilegal na bagay tulad ng taklobo. Umaangal na nga ang ating mga mangingisda na lumiliit ang kanilang huli dahil sa rami ng barko ng China na ayaw naman silang palapitin sa mga karaniwang lugar kung saan sila nangingisda.

May kasamang mga barko pa ng Chinese Coast Guard at apat na barkong pandigma na nagsisilbing banta sa sinu­mang nais lumapit sa karagatan. May insidente na nga kung saan hinabol ng China Coast Guard ang Philip­pine vessel na sakay ang news team ng ABS-CBN.

 Naghain na naman ng protesta ang DFA sa kilos nito ng China. Pero sigurado ay hindi na pinapansin ng China iyan. Ano pala ang naging resulta ng pagtawag sa Chinese Ambassador ng DFA para magpaliwanag? Wala rin?

Ito ang dahilan kung bakit hindi ito ang panahon para ilayo ang bansa sa ating malakas na kaalyado, ang US. Alam natin ang personal na galit ni President Duterte sa US pero kailangan ang proteksyon ng bansa ang mauna, hindi ba?

Mabuti nga at nagpatuloy ang Balikatan exercise nga­yong taon. Hindi ito naganap noong nakaraang taon dahil sa pandemya. Ngayon, mas maliit ang exercise para sa pag-iingat ng lahat. Pero ganun pa man, mabuti at natuloy. Nasa rehiyon na rin ang mga malalakas na US warship bilang babala sa mga kilos ng China. Kailangan talaga ng pantapat sa kanila.

Malinaw na kahit ano pa ang sabihin ni Duterte na dapat kaibiganin ang China, hindi naman sila nagpapakita ng mga kilos-kaibigan. Nag-uusap na rin ang US at Japan hinggil sa pananalakay ng China. May alitan din ang Japan at China sa ilang isla sa karagatan kaya napapanahon ang pag-uusap nila. Kabalikat ng US ang Japan sa isyung ito.

Hindi naman ako magtataka kung magmamatigas pa rin ang China kahit katunggali ang mga bansang ito. Ang sinasabi ng Beijing na ang presensya ng mga barkong pandigma ng US ay nagdudulot lang ng karupukan sa rehiyon ay pansariling intensiyon lang. Ang paglikha ng mga artipisyal na isla sa karagatan na pinagtatalunan pa ang tunay na nagdudulot ng karupukan sa rehiyon.

 At ano ang reaksyon ng Palasyo? Pribadong pag-uusap daw ang kailangan at dagdag pa ni Roque, hindi na raw ito saklaw ng freedom of information. Ano pa nga ba? Ano pa ang maaasahan natin kung nais yakapin ng lubos ni Duterte ang China?

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with