^

Ni-rape ng siyota

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Tungkol ito sa magsiyotang Tessie at Romy. Si Tessie ay OFW at walang asawa. Si Romy ay kawani ng kompanya at may-asawa.

Si Romy ay nakatira sa tapat ng bahay ni Tessie kaya nag-umpisa ang lihim na relasyon ng dalawa. Nagta­tagpo sila tuwing nagbabakasyon si Tessie.

Minsan, alas dos ng madaling araw at pauwi na ang dalawa, biglang huminto sa isang motel si Romy. Nang maintindihan ni Tessie ang gustong mangyari ng lalaki, sumigaw siya para humingi ng saklolo pero natakpan ni Romy ang kanyang bibig.

Nagbuno ang dalawa hanggang mawalan ng malay si Tessie. Nagising siyang nakakubabaw sa kanya si Romy hanggang sa mairaos ang gusto. Habang patuloy na dumu­dugo ang kanyang ari, tinulungan siyang bihisan ni Romy at hinatid sa kanyang bahay. Pagkatapos ay umuwi na si Romy sa sariling tirahan. Sumunod na araw nagulat si Romy nang damputin siya ng mga pulis dahil­ nagsampa ng reklamo si Tessie. Ang buong akala ni Romy, hindi siya kakasuhan ni Tessie dahil sa kanilang lihim na relasyon. Pero inakusahan siya ng rape ma­tapos magpaeksamin si Tessie at lumalabas sa medical report na nagtamo siya ng mga hiwa, sugat at pasa sa katawan nito. Ang palusot ni Romy, magsiyota sila at parehong gusto ang mga nangyari. Maari bang depensa ito?

HINDI. Ayon sa Supreme Court, ipagpalagay man na magsyota ang dalawa at may nangyari na sa kanila noong una, umamin din ni Romy na ang naganap na huling pagtatalik ay ginamitan ng dahas at puwersa. Katibayan pa nga rito ang pag-uwi ni Tessie na magulo ang itsura at nasaktan pa. Walang lalaking puwedeng gumamit ng dahas­ para sapilitan siyang pagbigyan ng babae masunod lang ang kanyang gusto kahit pa nga magpapakasal na sa kanya. May karapatan pa rin na tumanggi ang isang babae kung ayaw niya lalo at hindi pa naman sila kasal. Kahit pa siyota ni Romy si Tessie, nagkasala pa rin siya ng rape nang sapilitang kaladkarin ito sa motel at pagsaman­talahan (People vs. Mercado, 161 SCRA 601).

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with