^

PSN Opinyon

Sino ba ang ibig tamaan ng COVID-19?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Palaging nasisisi ang mga taong tinatawag na “pasa­way” na lumalabas ng tahanan sa kabila ng lockdown. Sila raw ang dahilan kung bakit hindi mapigil ang pagkalat ng COVID-19. Pero masisisi ba ang mga taong ito na sa kagus­tuhang kumita ng pera ay nagagawang labagin ang mga quarantine protocols?

Tama si ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap. Aniya wala na­mang gustong dapuan ng kinatatakutang sakit na ito. Ang gusto lang ng mga tao ay makapaghanapbuhay. Ano nga naman ang buting idudulot ng hindi paglabas sa tahanan kung mamamatay naman sa gutom ang isang pamilya?

Hindi bale sana kung may sapat na pondo ang pama­halaan upang sustentuhan ang bawat pamilya sa panahong bawal lumabas ng tahanan. 

Gaano kalayo ang mararating ng apat na libong pisong ayuda kada pamilya lalo pa’t walang kasiguruhan kung hanggang kailan mananalasa ang pandemya sa ating bansa?

Tapos, kapos na nga ang bayan sa pondo, May ilang tiwaling opisyal pa na nangungupit sa inilaang halaga para tulungan ang mga nahihirapang mamamayan. Sad­yang mahirap ang sitwasyon ngayon. Sa pinakahuling­ balita, pananatilihin daw muna ang umiiral na ECQ hang­gang hindi bumababa ang kaso ng COVID-19.

Hindi nga naman dapat kondenahin ang bawat taong lumalabas ng tahanan. Unang-una, hindi naman nila ginawa ito para maglamyerda sa labas. Wala namang sinehan at wala namang restaurant na puwede ang dine-in. Hanapbuhay ang pakay nila.

At iyan mismo ang dilemma sa panig ng pamahalaan: papaano magpapatupad ng lockdown nang hindi bini­bigyan ng sapat na ayuda ang mga mamamayan na dapat manatili na lamang sa bahay.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with