_ngayon
^

Mga bata sa Bahay Pag-asa

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2021 - 12:00am

May 49 na mga menor de edad na tinatawag na “children in conflict with the law” na nakaditine ngayon sa Bahay Pag-asa dito sa Bago Oshiro, Tugbok District, Davao City ang naibalitang positibo sa COVID-19 infection.

May total na 109 na kabataan sa Bahay Pag-asa at ang 49 ang nagpositibo kaya ginagawan ng paraan ng city health office na maayos na ma-isolate sila at makatanggap ng karampatang lunas habang in isolation sila.

Ang problema nga sa kanila ay hindi sila pupuwedeng madala sa temporary treatment and monito-ring facilities ng city government dahil nga sila ay CICL at kinokonsiderang detainees.

Ang mga batang ito na may edad 16 hanggang 19 ay may mga hinaharap na kasong rape, murder at iba pang heinous crimes. Kaya kailangan din talaga ng tight security sa kanila dahil baka sila ay makaeskapo.

Ganun na lang ang pag-iingat ng mga awtoridad dito kung paano maipagagamot ang 49 na CICL na positibo sa COVID-19 na hindi naman makumpurmiso ang kanilang security.

Binabantayan naman sila nang maigi habang in isolation. Nakatira sila sa mga ibang tents sa loob lang din ng Bahay Pag-asa compound.

At nang sa ganun manatili silang may pag-asa sa buhay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with