^

Jueteng sa Cavite, kasama sa ‘war chest’ sa 2022!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Halos 16 buwan na lang ang 2022 elections subalit mukhang ngayon pa lang ay nag-iipon na ng “war chest” ang kampo ni President Digong. Sinabi ni kosang Dave Baluyot na ang isang kandidato sa pagka-presidente ay gagastos ng aabot sa P6 bilyon. Subalit maaring lumaki pa ‘yan o bumaba dahil sa panahon ngayon ng pandem­ya at baka mabago ang takbo ng kampanyahan dahil sa health protocols ng gobyerno ni President Digong. Mismooooo!

Kaya naman sinasabi ng mga kosa ko na nag-iipon ng “bala” itong kampo ni President Digong dahil sa pag­yayabang nina John Yap at Jun Alvaran, ang bangka at management ng jueteng sa Cavite, na may binibigyan sila ng pitsa sa gobyerno. Tapos kumalat na din ang tsismis na ang online sabong ay nagbigay ng P150 milyon para hindi sila sitahin ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa patuloy ng ilegal na operation nila.

Kaya lang, hindi masabi nina Yap at Alvaran at ng mga online sabong operators kung kanino nila binibigay ang “payola” nila. At wala ding nangahas sa gobyerno ni President Digong na akuin na sa kanila napunta ang pondo. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Kaya umikot ang tsismis na itong walang sagabal na operations ng jueteng nina Yap at Alvaran sa Cavite, kasama ang online sabong, ay dahil nag-iipon ng war chest ang kampo ng administrasyon. Ano sa tingin n’yo Cavite Gov. Jonvic Remulla, Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at PNP provincial director Col. Marlon Santos?

Kung sabagay, kahit No. 1 s’ya sa survey, abot-langit ang pagbando ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi s’ya tatakbo sa 2022 elections. Subalit ang “war chest” ay maaring ipondo sa kandidatura ng “manok” ni President Digong, di ba mga kosa? Mismooooo!

Kaya lang baka gimik lang itong pagsasabi ni President Digong na hindi tatakbo ang anak n’ya at hindi bagay ang babae sa pagka-presidente para mapag-usapan si Sara. Ganyan naman ang style n’ya noong 2016, na kunyari aayaw-ayaw pa.

Kaya dapat mag-ingay itong kampo ni Vice President Leni Robredo vs jueteng sa Cavite at iba pang lugar sa Pinas at sa online sabong para hindi s’ya madehado sa 2022 election dahil kulelat o No. 6 lang s’ya sa survey. Kakain na naman ng alikabok ang Opposition pag nagkataon. Dipugaaaaa! Abangan!

JUETENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with