^

PSN Opinyon

Deptartment of OFWs huwag upuan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bagong bayani pa naman ang tawag sa mga Pilipinong­ nagtatrabaho sa ibang bansa, bakit itinetangga ng Senado ang paglikha ng departamentong lilingap sa kanilang kapa­kanan? Tila binabalewala ng ilang Senador ang mga prob­lema ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Marso 11, 2020 pa nang naipasa sa Kamara de Representante ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employ­ment bill. Pangunahing  umakda nito si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Kapuskapalaran, ipinasya ng Senate Committee on Labor and Employment, Foreign Relations at Finance sa hearing nito kamakailan na isaisantabi ang panukalang batas. Sinabi ni Sen. Franklin Drilon na “Right-sizing bill” ang dapat iprayoridad para makapagtipid ang pamahalaan. Kapos daw sa pondo para magtayo ng bagong department.

Walang pondo? Bakit nakapaglaan ng salapi ang Senado­ para sa pagpapatayo ng bagong building na  P8.5 bilyon na nagsimula na ang construction noong 2019? Isa pa, ang bawat ahensyang may kinalaman sa OFW ay may kani-kaniyang pondo, kaya’t kung pag-iisahin ang mga ito bilang isang Departamento, hindi naman kailangan­ ang mas malaking pondo para dito.

Kailangan ng mga OFW ang iisang ahensyang madu­dulugan. Sa dami ng problema sa domestic employment sa ating bansa, hindi na kayang asikasuhin pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proble­mang nilalapit ng mga OFW.  Dapat may hiwalay at full-time na ahensiya na mag-aasikaso sa iba’t ibang problema ng mga migrante.

Ayaw harapin nina Senador Drilon at kasamahan ang katotohanan na maraming butas ang mga programa at mga institutional mechanisms ng bawat ahensya. Paano natin malalaman ang puno’t dulo ng problema kung iti­nigil na nila ang pag-dinig ng naturang panukala?

Tama ang plano ng Senado na streamlining ng gobyerno­ upang mabawasan ang gastos ng pamahalaan. . Ngunit hindi ba maaring bigyan ng kahit ilang oras lang ng panahon ng mga Senador na tutukan ang problema ng mga OFW pati ang mga kakulangan ng bawat ahensiya para mabago ito?

Huwag sanang kalimutan na ang ating mga migrante ang isa sa nangungunang dahilan kaya matatag ang ating ekonomiya dahil sa dolyares na iniaambag nila sa kaban ng bayan. Huwag naman silang balewalain.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with