Huling hirit

PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

One more chance, please.

‘Yan ang pagmamakaawa ni Ronald Tubid sa San Miguel Beer management na nagpataw sa kanya ng indefinite suspension last year.

Mahigit isang taon nang pahinga si “The Saint.”

Nasangkot kasi si Tubid sa away sa isang SMB practice nung November 2019 kasama si Arwind Santos, Kelly Nabong at import na si Dez Wells.

Nakabalik na si Arwind habang si Kelly naman ay nasa NorthPort na. Natural, umuwi agad ang import.

Pumasok si Tubid sa PBA nung 2003 at naglaro sa Shell, Air21, Barako Bull, Petron, Kia, Ginebra at SMB.

May 9 na titles na ang 39-year-old na shooting guard with Ginebra at San Miguel.

Patapos na ang career ni Tubid. Kaya naman ang hiling niya kay Boss RSA ng San Miguel ay bigyan sana siya ng huling pagkakataon.

Kahit one season lang.

Kumbaga, chance lang na tapusin niya ang PBA career niya sa tamang paraan.

Kilala natin si Tubid at sa labas naman ng court ay maayos na tao. Pero mahilig masangkot sa gulo.

Sa Spiderman episode sa PBA, nakisama rin siya sa gulo. Anya, pinagtanggol lang niya si June Mar Fajardo na binangga ng isang PBA fan na naka-costume ng super hero.

Pagbigyan kaya siya ng San Miguel?

Sana naman.

SMB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with